RE;
Naiinip siyang nagalumbaba sa kanyang mesa, hinihintay ang pagdating ng kanyang sekretarya.
Inikot niya ang kanyang swivel chair nang may kumatok sa kanyang pinto.
"Come in. " utos niya.
Nakangiting pumasok si Lady H sa kanyang opisina at naglakad palapit sa kanyang mesa.
"It's a good news, Mariel. Everything's done smoothly. " isang magandang ngiti ay naipinta sa mga labi nito. " Bukas na bukas pwede ka nang umupo sa iyong posisyon. "
Excitement fills her all over.
After two years, matutupad na ang mga plano niya.
"I'm sure everyone missed me. " a wicked smile plastered on her face.
She remembered, two years ago. Nawala sa kanyang ang lahat. Even her hope left her. Nang wala nang natitira sa kanya at ang tanging hiling niya lang ay ang ay ang maglaho na siya.
But a miracle happened.
Nakilala niya si Lady H, na nagbangon sa kanya. She's now resurrected and renewed. She isn't that same coward from the past two years.
Ipapatikim niya sa mga Ripper ang pagdurusang naranasan niya.
Bilog ang mundo, she suffered every piece of pain under it. Now she'll make sure she'll be on it's top. And stepped on every Ripper under.
"Salamat, Tita, " ngumiti siya ng matamis kay Lady H.
Lumapit ito at niyakap siya. Hinaplos nito ang mahaba niyang buhok.
"Sino pa bang magtutulungan, kundi tayo ring mga naagrabyado. " sabi nito.
Matapos nang lahat, ang akala niya noon ay hindi siya makakabangon pa. Pero tinulungan siya ni Lady H. Pinagamot, pinatira, pinakain, pinag-aral. Lahat utang niya sa babae.
She's an ash that got resurrected and become a phoenix. Now, she is back to burn everyone.
"Aw, ang sweet naman. " natatawang sabi ni Alfons nang abutan silang magkayakap ni Lady H sa kanyang opisina.
Nagtawanan sila.
Alfons is one of her new friends. Kakilala ito ni Lady H at isa sa mga engineer na nagturo sa kanya sa larangan ng negosyo. He's working under their firm kaya naging malapit din ito sa kanya.
"Farewell hug ba iyan dahil iiwanan mo ang kompanya? Pwede ka naman kasing dito na lang. Bakit kailangan mo pa ang kompanyang iyon. It's already sinking. " naiiling na sabi ni Alfons.
Ngumiti siya.
That's part of her plan. Make a hole in that company and make it sink. Then she'll save it like a heroine and stole it from the captain. And she'll manage to make it good as new. She'll hold Marcus Incorporated in her hands, then she'll definitely play on it's former CEO, Zero Marcus Ripper.
"Don't over react, Al. Pwede ka namang lumipat sa kompanyang iyon para hindi mo ko mamiss ." biro niya.
Agad umapela si Lady H.
"You can't do that. He's one of my best engineers. Hindi mo pwedeng kuhain si Alfons. " pabiro ring ganti ni Lady H. Pero tama ito. Isang malaking tulong si Alfons sa kanilang firm. At dahil bababa siya sa pwesto at ibabalik ito kay Lady H para makalipat sa Marcus, kailangan nito ang tulong ni Alfons.
Well, kaya niya namang mag-isa sa kabilang kompanya. She have enough power and strength . Hindi siya basta-basta mapabababa sa pwesto na iyon.
"So, wanna have some dinner with me. Farewell dinner? " yaya ni Alfons.
Natawa siya.
"Farewell ka nang farewell. Para namang kung saan ako pupunta. Dalawin mo na lang ako kapag namimiss mo ako. "
"Tinatanggihan mo na naman ako?" ngumuso si Alfons. Hindi siya bingi sa mga parinig nito. Hindi rin siya martyr lalong di siya bulag.
May interes sa kanya ang binata. Siya lang ang wala. Her heart is all hollow and unavailable for love.
Marami siyang plano at wala siyang panahon sa bagay na iyon.
"Sorry, Alfons. Maybe next time. " sagot niya at dinampot ang kanyang shoulder bag.
"Aray! Lagi mo na lang akong binanasted! " tumatawa si Alfons pero nakikita niya ang lungkot na dumaan sa mga mata nito. Umiwas siya ng tingin. Mali na pagbigyan ang isang tao dahil lang naaawa ka sa kanila. Like what Zero did to her. Siguro ay nakakawa siya kaya pinalabas nitong may nararamdaman rin sa kanya. At hinding-hindi niya iyon gagayahin. She'll never be like him.
You should always tell them the truth, kahit gaano kasakit. It's more appropriate than pretending and fooling anyone.
Malakas ang tagatak ng takong ng kanyang pumps sa tiled floor ng gusali. Nakamatyag sa kanya ang mga mata ng lahat ng nasa ground floor. Hinawi niya ang mahaba niyang buhok na umaalon sa bawat hakbang niya. Her black pencil cut dress fits her perfectly. Pinaresan niya iyon ng isang pulang corpaorate coat at itim na pumps.
Nakikita niya mula sa peripheral view niya ang pagkamangha ng mga empleyado sa kanya habang dinadaanan niya ang mga ito. Ngumisi siya.
Sumakay sila sa lift patungo sa 58th floor kung saan gaganapin ang meeting na pinahanda niya. She want everyone, lalo na ang mga major stock holders at board members to be formally informed sa pag-akyat niya sa pwesto.
The wooden double doors opened. Her guards gave her way. She confidently entered the room.
She flashed a very big smile habang isa-isang sinusuri ng kanyang mga mata ang mga tao sa silid na iyon. Sa dulo nang mahabang mesa ay naroon si Zero. Tumayo kaagad ito nang makita siya, his chinky eyes widened in surprise.
Nasurpresa ba ito dahil buhay siya?
She grin.
He mouthed her name kaya lalo siyang napangisi.
"Miss Mariella, everyone. Marcus Incorporated 's new CEO. " pakilala nang kanyang bagong sekretarya.
Pormal na bumati ang lahat ng nasa silid. Nakipagkamay siya sa mga ito at matamis na ngumiti samantalang si Zero ay nakatitig pa rin sa kanya na para siyang multo.
Lumapit siya sa binata at matamis na ngumiti.
"Ri, " mahinang bulong ni Zero na parang hindi pa rin makapaniwala.
"Yeah. It's me. I've returned. It's nice meeting you again, Mr. Ripper. " ngumiti siya at naglahad ng kamay.
And I'm gonna make sure you're all going to pay the right price. She said in her mind when his trembling hand accept her hand.
Ngumiti siya lalo. It's pay time, Zero.
-----
May mabilis na talon ang scenes. Tingin ko kasi no need na kung magsisimula tayo sa paggising niya sa ospital or something like that. Understood na naman kasi iyon. Pero kung sa tingin niyo dapat nilagay ko yun ng detalyado, pag-iisipan ko. Pwede niyo rin po akong i correct kung may mga mali sa part ng mga policy sa mga company matters. Hindi po talaga ako maalam sa mga bagay na iyon kaya tumatanggap po ako ng advices at corrections. Para po mabago ko kung may mali.
About the chapter title.
RE; is consist of many different ideas and concept. REsurrection, REminisces, REvenge and REturn. Kaya ganun yung title. Hindi ko alam kung matino ba yung idea ng ginawa ko pero that's what I think fits to put everything in one title. Maiksi rin po ang update na ito kaya sana pagpasensyahan.
Kamusta ang mga Ri-Ro Shippers? Kapit lang!
Love lots!
-R. P
BINABASA MO ANG
Playing The Devil's Game
RomanceShe's an angel. A fallen one. An angel who received the heaven's unkindness.With her wings wounded, her faith fading, and her fear eating her up. With a step,to change everything, to walk to a path to the devil's cage. Inside the labyrinth of that...