Game Eleven

89 3 0
                                    

                         Hide and Seek

Agad siyang tumayo at humakbang palayo rito.

Binigyan siya nang makahulugang tingin ni Dean bago ilipat ang tingin kay Zero.

"Wait, "

"Wag mo akong hawakan! " agad niyang iwinaksi ang kamay nito bago pa man siya mahawakan ni Zero.

Kumunot ang noo nito.

"What's the matter with you! " mataas ang tino ng boses nito ngunit di niya kinakitaan ng galit.

Kapansin-pansin ang mga maitim na eyebags nito. Pero wala siyang panahon para tanungin o isipin mnlng kung anong dahilan ng pagpupuyat nito.

Sa pinili pag landian sa kung kani-kaninong babae, malamang!

Agad siyang tumakbo palayo, di niya na pinatapos ang anumang balak sabihin nng binata. Kumaripas siya ng takbo palabas ng apartment.

Halos mahulog na siya sa hagdan sa bilis ng kanyang takbo.

"Shit! Hey stop! " napalingon siya. Mauntik na siyang matapilok nang makitang bumangga ang tagiliran nito sa staircase.

Shit Ri! Bilis! Bilis!

Narating niya na ang highway nang makaramdam siya na may humila sa braso niya.

"Shit! Will you stop running away?! " hinatak siya nito palapit. Sa pagod rin marahil sa katatakbo, wala na siyang lakas pa na manlaban.

Huminto na lamang siya at tinitigan ang binata. Sa di niya maipaliwanag na dahilan, ay nag unahan sa pagbagsak ang kanyang mga luha.

She's really weak. Kahit anong gawin niya.

Mahina siya.

"What's your problem, huh?! " hinigpitan lalo nito ang hawak sa braso niya. "Para kang tanga! Bakit mo ba ko tinatakbuhan?! Anong problema mo?! " ngayon sigurado siya. Naiinis ito.

Hindi siya sumagot. Sunud-sunod na pag-iling lang ang nagawa niya. Patuloy siya sa pag-iyak. Halos hikbi na lang ang tangi niyang nagagawa.

Bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo. Napalapit siya sa suot nitong jacket bago pa siya mawalan ng balanse at mapaluhod.

"Hey! What's the problem? " tanong nito. Pero masyadong masakit ang ulo niya para makasagot pa.

Narinig niya pang tinawag nito ang kanyang pangalan bago siya tuluyang lamunin ng kadiliman.

***********

Nagising siya sa pamilyar na kwarto na may kulay lilang wallpaper.

Masakit pa rin ang ulo niya at mabigat ang katawan niya.

Naisip niyang baka panaginip lamang ang nangyari. Di siguro totoong nakita siya ni Zero at hinabol siya nito.

Kinusot niya ang kanyang mga mata at bumangon. Napansin niyang iba na ang suot niyang damit.

Naabutan niya sa sala si Dean na busy sa pakikipag-usap sa telepono.

"Just a playmate huh? Can you imagine your face when she collapsed infront --" natigilan ito at nagmamadaling nagpaalam sa kausap.

Hinarap siya nito at ngumiti. Pakiramdam niya ay creepy ang bawat ngiti nito, na sa twing ngngiti ito ay may iba itong binabalak.

Alangan siyang ngumiti.

"Hey, gising ka na pala. Uh, ulit? Well, hinimatay ka kasi kahapon. Mataas ang lagnat mo kaya, dito ka muna sa apartment ko mag stay. " she sounded like she's commanding her to stay instead of offering her to.

"Nakakahiya naman. Wag na lang, ayokong maging pabigat sayo. " alangan siya hanggang ngayon. Dapat bang pagkatiwalaan ang babaeng ito?

"Don't worry. Pag magaling ka na, sasamahan kitang mag apply sa pinagtatrabahuhan ko. Kailangan ng extra waitress ang bar. Dun ka naman i aasign sa counter para di ka mabastos. Ano ayos lang ba? " her proposal was great. Yung tipong hindi ka na makakapalag kasi yung magandang trabaho na mismo ang lumalapit. Parang sure ito na bibigay siya, kalkulado nito ang bawat detalye.

But still, Dean is a stranger for her.

Bakit ba siya nito tinutulungan? E hindi nga sila magkakilala in the first place?

"Salamat, "

"No need to thank me. " sagot nito.

**********

"Welcome to the team, Ri!! " natatawa siyasa sigla ng mga taga DayDream Bar, lalo na si Yohan na akala mo ay nakalaklak ng ilang bote ng vitamins dahil di maubusan ng energy.

"Tigilan mo nga siya Yohan. " saway naman ni Lord. Isa sa mga bartenders.

Nagtawanan sila.

Tingin niya ay mas magiging maganda ang simula ng bagong kabanata ng buhay niya.

-----

Sensya na Zero, ilalayo ko muna si Ri sayo. Hahahahaha.

Lovelots.

R. P

Playing The Devil's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon