Game Twenty Five

56 1 0
                                    


                        Sweet and Bitter

Maga ang mata niya nang bumangon siya.  Namoy niya agad ang masarap na halimuyak na nanggagaling sa kusina. 

Naabutan niya roon si Zero na naghahanda na ng hapag kainan.  Nagulat pa ito nang makita siya.  Mabilis itong dumalo sa kanya para alalayan siya sa paglapit sa hapag. 

"Pasensya na, ang tagal kong magluto.  Nagkulang kasi yung ingredients.  Hinanap ko pa.  " sabi nito nang ipaghila siya ng upuan. "Gutom ka na ba? " tanong nito saka siya. Hinalikan nito ang ulo niya at hinaplos ang maalon niyang buhok. 

"Hindi naman.  " tipid niyang sagot.

It's such a sweet gesture he's showing her but she's too preoccupied with her bitterness from that damn phone call. 

"Are you okay? Ayaw mo ba ng menudo? Anong ulam ang gusto mo? " nag-aalalang tanong nito. 

Umiling siya. 

" No.  I'm fine medyo masakit lang ang katawan ko. " she said coldly. 

Tumango ito at hinalikang muli ang kanyang ulo.

"I'm sorry about that. "

Sinandukan nito ng kanin at ulam ang kanyang pinggan at sinalinan nito ng juice ang kanyang baso. 

"Eat well tapos magpahinga ka na. Is that okay? " tanong nito. 

Tumango lamang siya. 

She hates the way he acts so sweet to her.  When he acts like he care!  I hate how this man's so good in acting! Konting-konti na lang maniniwala na siya. 

Pero gaya nga ng sabi ni Scarlet, nabobored lang ito kaya inaaliw nito ang sarili gamit siya.  In short, ginagamit lang siya nito.  Past time.

"Hindi ba masarap? " tanong ni Zero nang mapansing hindi niya masyadong ginagalaw ang pagkain.  

Umiling siyang muli at pinilit lunukin ang pagkain kasabay ng mapait na bara sa kanyang lalamunan. 

"I'm sorry. Pagod lang talaga ako.  Masarap naman talaga yung luto mo. " pinilit niyang ngumiti. Pero sa loob-loob niya, gusto niyang maiyak. 

"I know.  " tumayo ito.  "Continue eating. May kukunin lang ako sa sala. " sabi nito at iniwan siya. 

Nakita niya ang cellphone nito na nasa mesa.  Baka kinuha nito sa kwarto kanina nung natutulog siya. Syempre nga naman.  He need to call Scarlet, or his other 'playmates'.

Her own bitterness  drowns her even more. 

Masokista yata siya at gustong sinasaktan ang sarili nang damputin niya ang cellphone.

Walang password o pin ang cellphone ng binata kaya madali niya iyong na access.  Sa history ng phone ay madali niyang nakita ang numero ni Scarlet. 

She ringed it once at mabilis namang sinagot iyon ng babae.

"Hello? " nakagat niya ang labi niya. Mainit ang luhang tumulo sa kanyang mga mata. 

"Is it you again?  Why did you call, pinatayan mo nga ko kanina?  " mataray nitong tanong.
Hindi siya sumagot at pumikit ng mariin. 

"Bakit hindi ka makasagot?  Natamaan ka sa sinabi ko?  Well that's the truth! Zero's just playing games with you.  Don't get too carried away.  " sabi pa nito. 

Humikbi siya kaya tinakpan niya ng palad ang bibig. 

Stupid Mariella!  You're just hurting yourself listening to her. 

Playing The Devil's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon