Game Thirty Nine

41 1 0
                                    

                          Competition

She stared at her phone for almost five minutes.

Zero : Let's have lunch together? 

Magaling itong manglandi.  Alam niya yun noon pa lang.  And she needs to flirt back.  Just that.  Flirt back, hindi siya dapat kinikilig o kinakabahan.  Dapat walang feelings na involved.  At kung mayroon man, dapat ay hindi niya iyon ipahalata. 

She have to act that she's inlove for him to fall for her. And she have to act that she isn't para hindi siya masaktan pagkatapos. 

She typed her reply.

:
Okay, I'll wait. 

Kinagat niya ang labi at nilapag ang cellphone. 

She reminded herself.  She's back for revenge.  Not to fall harder for Zero. 

Tumunog ang kanyang phone at nagmamadali niya iyong dinampot. 

Zero: Antagal mong magreply.  Are you busy?  (∩_∩) I miss you. 

Halos magdugo na ang kanyang labi sa kakapigil ng ngiti. 

And Zero using that fucking emoticon para magpacute isn't helping. 

She typed

To Zero:

No, I'm just waiting for you.  Nasan ka ngayon?  (^v^)

Umiling siya at mabilis iyong binura. 

No that's too clingy. 

No, I've finished my papers already. 

Kumunot ang noo niya at binura iyong muli.  Parang robot. 

To Zero:

Nope.  I'm done na.  I'm hungry na.  Where are you? 

She frustratedly deleted it again. Masyadong maarte ang dating. 

Bumuntong hininga siya at nagtipa. 

To Zero:

Nope.  I'm done with my papers.  You?

Ipinatong niya ang cellphone sa mesa at isinubsob ang mukha roon. 

God! Magrereply lang siya!  Bakit natataranta siya? 

Bumukas ang pinto at natataranta siyang tumayo para ayusin ang  sarili. 

Nakapameywang si Alfons habang nakatingin sa kanya.  Hindi niya alam kung bakit nawala ang excitement niya nang makita si Alfons.

"Are you expecting someone else?  You look so disappointed. " he said in a matter of factly tone. 

Umiling siya. 

"Hindi naman.  Akala ko lang kung sino. " pagdedeny niya. 

May dalang plastic si Alfons na may marka ng isang kilalang fast food chain. 

"Are you hungry? I bet hindi ka pa nagla-lunch.  I bought your favorite. " itinaas nito ang plastic bag na may lamang pagkain.

Alangan siyang ngumiti.

"Alfons, kasi,.. " she trailed off but the door opened once again. 

Tiningnan siya ni Zero, tapos ay lumipad ang mga mata nito kay Alfons at sa plastic na hawak nito. 

His eyes shows disappointment and pain.

Yumuko siya. 

"You're busy? " may tunog paratang ang tanong nito.

Playing The Devil's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon