Prologue

185K 5.4K 1.1K
                                    

Sa mga nangyari sa buhay ni Cassandra, natuto na siyang lumaban para sa sarili niya. Hindi na niya hahayaan na maulit kung anuman ang naranasan niya noon.

Pinangako niya sa sarili na hindi na ito magmamahal para hindi na siya masaktan. Kinalimutan niya ang lahat ng taong naging parte ng buhay niya noon lalong lalo na ang taong nagtaboy sa kanya.

Bumalik siya sa pamilyang matagal na naghihintay sa kanya. Mga taong totoong nagmamahal sa kanya na tatanggapin ulit siya at ang anak niya na hindi tinanggap ng taong minahal niya pero hindi naniwala sa kanya.

Sa pagkikita nilang muli, hindi na siya ang babaeng iiyak na lang at magmamakaawa. Hindi na siya magpapatalo at lalaban siya sa mga taong nanakit sa kanya. Hindi na siya si Cassandra Del Rio na mahina at hindi lumalaban kahit nasasaktan na.

Siya na si Cassandra Garfin. Ang babaeng hindi na nila kayang paiyakin at lumalaban para sa mga taong mahal niya.

You're Still The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon