Chapter 22

55.6K 2.1K 336
                                    

Sana po ay suportahan niyo ang story ko sa ibang website katulad ng pagsuporta niyo sa story ko dito sa wattpad. Gumawa ako ng story sa inkitt. Every reads niyo don makakatulong sa akin kaya sana bigyan niyo ng chance at pwedeng rin bang magcomment kayo kung nagustuhan niyo. POV ni Clyde.😊

My So Strict Boss - Book 1
My Snobbish Heart - Teen Fiction
The Black Archer - Fantasy
CURSED - Romance posted in Inkitt.

~○~

Sa ilang araw na hindi ko tinatapos ang mga trabaho ko, hindi na ako makaalis ng office para puntahan ang mga anak ko. Kahit tingnan ko lang muna sila sa malayo, okay lang hangga't nakikita ko sila.

Bakit ko ba nasabi kay Cassandra iyon? Nadala lang ako sa mga sinabi niya na pumapayag na makilala ako ng mga anak namin. Gusto kong mabuo kami at ayokong makontento na ang mga bata lang ang makasama ko, kailangan ko rin ang mommy nila. Mahal ko pa rin siya kaya hindi ako titigil hangga't hindi niya dinadala ang apelyidong Villacorte at ng mga bata.

Bumukas ang pinto at pumasok si Lancen, "Nakakulong ka naman sa office mo, kuya?"

"Tigilan mo ko. Kailangan kong matapos ito. Kung wala kang balak tulungan ako, umalis ka na lang."

"Bumibisita lang. Wala akong magawa sa Paradeux kaya tambay muna ako dito."

"Mas wala kang magagawa dito! Guguluhin mo lang ang mga gamit na nakikita mo."

Hindi pa rin siya umalis. Hindi pa siya nagtatagal. Nakakaabala na siya. Ayokong may taong palakad-lakad sa paligid ko katulad ng ginagawa niya.

"Nandito pa rin to?"

"Ibalik mo yan!"

"Tinitingnan ko lang ang picture niyo ni Cassandra. Bakit nakatago ito?"

Hindi ko naibalik sa table ko. Tinago ko dahil dumating si Mr. Garfin at makita iyon. Alam kong ayaw niyang malaman ng daddy niya ang tungkol sa amin.

"Tinago mo pa. Hindi ba pumasok sa isip mong baka alam na ni Mr. Garfin. Siyempre anak niya si Cassandra, lahat ng tungkol sa kanya alam niya. Bumalik ang anak niyang buntis kung ikaw ang nasa katayuan niya, hindi mo ba aalamin kung sino ang nakabuntis sa anak mo. Ikaw talaga, kuya, naturingan kang CEO nitong company, dapat alam mo ang mga bagay na ganito."

Natigil ako sa pagpirma ng dokumento. He has a point but why her father didn't say anything to me? All the things that I've done to her daughter couldn't ignore and if I am in his position, I've settle his concern to me or do something to ease his daughter's pain.

"Bakit hindi ko naisip ang sinabi mo!"

Nagulat ito sa pagsigaw ko, "Kuya, okay ka lang?"

"Shit! I need to talk to him!"

"Paano mo kakausapin, hindi ka nga makalapit sa mag-iina mo?"

Binato ko siya ng hawak kong pen. Sinabi ko na nga ba manggugulo siya. Lalo akong natatagalan sa ginagawa ko dahil sa mga sinasabi niya.

"Manahimik ka nga, Lancen! Naguguluhan na ako sa mga sinasabi mo!"

"Totoo naman ang mga sinasabi ko. Nagagalit ka dahil may point ako. Pag-isipan mo na lang ang gagawin mo kapag kinausap mo ang magulang ni Cassandra pero hindi mo magagawa yon. Unahin mo muna si Cassandra para makita mo ang mga anak mo. Ang galing mo nga, kuya, tatlo agad ang anak mo."

Tumunog ang cellphone ko at nang makita ko si Cassandra, pinagsabihan ko muna siyang manahimik.

"Hello..."

"May ginagawa ka ba ngayon?"

Napatingin ako sa tambak na mga folders sa table,"Wala naman. Wala akong ginagawa ngayon."

You're Still The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon