Chapter 12

69K 2.3K 482
                                    

Natahimik ito at kumuha ng baso na may alak at ininom. Napatingin ako sa mga kaibigan ko at napansin kong iba ang tingin nila sa akin. May mali ba sa sinabi ko? Siya naman talaga ang tumapos ng hindi man lang hiningi ang opinyon ko kung pumayag ako.

"Cassandra..."

"Bakit?"

"Tigilan mo muna si sir Clyde. Magsaya na muna tayo at tama na ang batuhan ng mga salita pwede ba? Kami ang hindi makatagal sa inyo kapag ganyan kayo."

"Siya naman ang nauna, Kim. Hindi ko naman siya pagsasabihan kung hindi
siya masyadong mahigpit na parang walang nangyari sa amin."

"Oo na. Alam na namin kaya kalimutan mo muna para makapag-enjoy tayo. Kalimutan mo muna atraso ni sir baka kami  ang balikan niyan kapag wala ka."

"Sige na."

Hindi nagpapigil ang mga kaibigan ko sa pag-inom. Nakadalawa lang ako at tumigil na. Kailangan kong umuwi at mag-aalala sila sa bahay kung hindi nila makitang nakauwi ako.

Naging masaya naman kami. Hindi na ako nakarinig ng kahit anong salita sa taong ayokong makausap. Napansin ko rin na mas marami pa siyang naiinom sa mga kasama namin. May balak ba siyang matulog dito dahil kung hindi niya na kayang umuwi mamaya hanggang bukas siya dito.

"Saan ka ba nagpunta babae at hindi ka namin mahanap?"

"Umuwi na ako samin."

"Noong sinundo ka ng dalawang magkamukha noon, umuwi ka na sa inyo?"

"Oo."

"Natatandaan ko yung dalawang iyon, di ba sila ang kapartner mo sa party dati?"tanong ni Kim. Tumango ako.

"Kaano-ano mo ba yung dalawa, Cass?"

"Pinsan."

"Kaya naman pala ganon na lang kung makapagpresinta sayo. Pinsan mo pala. Ipakilala mo nga kami para hindi nila kami binabalewala kapag nagtatanong."

"Ginawa nila sa inyo yon? Humanda sila sa akin at talagang pagsasabihan ko. Alam nila na kaibigan ko kaya kahit man lang sinabi nila na umuwi ako para hindi na kayo nag-alala sa akin."

"Minsan pinuntahan namin sila nilagpasan lang kami. Ang ganda ng bati nila. Ramdam namin na masaya silang nakita kami." sabi ni Kim.

"Tumigil ka nga. Hayaan mo ng alam ni Cassandra ang ginawa nila. Specific description pa ang sinabi mo baka sila naman ang mag-away dahil nagsumbong tayo sa pinsan nila."

"Natatakot ka sa kanila, Laurel? Hindi naman nila tayo kaya. Kaibigan natin si Cassandra at hindi rin ako natatakot sa kanila."

"Palibhasa may Alex kang magtatanggol sayo kapag nagkataon."

"Gusto mong ako na ang maunang manakit sayo? Huwag mong masabi ang pangalan na yan baka ikaw ang pagbuhusan ko ng inis sa kanya. Baka gusto mong tawagin ko ang pinsan ni sir para manahimik ka."

May hindi sinasabi sakin sila Kim? Anong kinalaman ng pinsan ni Clyde kay Laurel? Ayoko pa naman ang ugali ng lalaking iyon baka may gawin siyang hindi maganda sa kaibigan ko at talagang papatulan ko na ang pagbabanta niya noon.

Bakit ko pa iisipin ang isang iyon wala na naman kami ng pinsan niya kaya manahimik na lang siya kapag nagkita kami.

"Ang yaman mo pala, Cassandra." ngumiti lang ako. Ayokong pinagmamalaki iyon dahil ang daddy ko ang naghirap para sa comapany namin.

"Bakit mo pala piniling maging independent?"

"Gusto ko kasing maranasan yung simpleng buhay ng mommy ko. Dito siya lumaki kaya hiniling kong maranasan bago ako humawak ng company ng daddy ko."

You're Still The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon