Chapter 43

17.3K 519 96
                                    

Nakauwi na rin ang mga kaibigan ko kaya wala na akong makausap. Hindi rin ako pwedeng lumabas kaya hindi ko alam kung ano ang pwede kong gawin para malibang ako. Ang mga pinsan ko naman ay nakakaalis para sundin ang mga inuutos ni daddy. Wala na akong balita kay Clyde. Iyon ang gusto kong gawin na hindi ko magawa.

"Cassandra..."

"Hi, mommy. Bakit po kayo naparito?"

"May problema ka ba? Napapansin ko na matamlay ka nitong mga nakaraang linggo pagkatapos kayong kausapin ng daddy mo. May nangyari ba na hindi ko alam, anak."

Sa pagkakatanong ni mommy ay para walang siyang alam. Matutulungan kaya niya ako sa problema ko kung sasabihin ko. Ayoko naman maging dahilan ako na magalit si mommy kung sakaling malaman niya ang tungkol kay Clyde.

"Mommy, sorry po...."

"Bakit ka nagsosorry? May nagawa ka ba na ikakagalit ko?"

"Mom...pwede po ba akong magtanong?"

"Ano yon?"

"Kilala niyo po ba ang ama ng mga anak ko?"

Natahimik ito. Hindi ko rin masabi kung alam na ba niya o hindi. Hinawakan niya ang kamay ko at bahagyang ngumiti na nagkukumpirma na may nalalaman na ito.

"Anak, hinintay naming sabihin mo ang gusto naming malaman pero hindi na namin nahintay ng ipanganak mo
ang mga apo namin. Gustong malaman ng daddy mo kung sino ang lalaking nang-iwan sayo kaya nagpatawag siya ng private investigator para alamin ang naging buhay mo sa pilipinas. Sinabi niya ang mga bagay na gusto naming malaman."

"Matagal niyo na po pala alam. Ako na lang ang walang idea sa pamilya natin."

"Cassandra, ginawa lang namin iyon dahil concern kami sayo. Gusto namin alamin ang naging buhay mo dito at bakit bigla ka na lang umuwi na hindi ka lang nag-iisa dahil buntis ka pa noon. Masisisi mo ba kaming magulang mo."

"Hindi po. Sorry po kung sa iba niyo pa nalaman at hindi sa akin."

"Alam namin na mahirap sayo na magsabi. Kaya nagawa namain iyon. Paano mo nalaman ito?"

"Sinabi po ni daddy."

Natahimik ito at napabuntong hininga,"Kaya ba hindi kayo masyadong nag-uusap dahil dito. Nag-away ba kayo?"

"Hindi naman po. Napagsabihan lang po sa mga desisyon ko na hindi ko po kayo nasabihan bago ko gawin. Nagalit po siya, mommy..."

"Hindi mo masisisi ang daddy mo. Kailangan namin malaman kung ano na nangyayari sa inyo dito at ang pagpayag mong manatili ang lalaking nang-iwan sayo sa pamamahay natin ang hindi namin nagustuhan."

"Sorry po talaga. Akala ko po ay wala kayong alam kaya maayos pa ang trato ni daddy kay Clyde noong unang beses silang nagkita."

"Sa tingin ko ay pinakisamahan lang siya ng daddy mo sa una dahil ayaw niyang malaman mo na may nalalaman kami. Gusto rin niyang makilala ito kaya nakipaglapit siya sa mga Villacorte."

Sa sobrang gustong makipaglapit nito ay binili nito ang malaking shares para lang makontrol ang company. Hindi ako sigurado kung alam din ito ni mommy.

"Huwag mo ng tiisin ang daddy mo, anak. Kausapin mo na siya para maging maayos na kayo. Alam mo naman na hindi niya kayang hindi ka pansinin ng matagal. Siya din ang susuko."

Hindi ko pa magawang pumunta ulit sa study room. Napapadalas na siya doon kaya hanggang maaari kung hindi kailangan ay hindi ako dumadaan o nagpupunta. Gusto ko man gawin ang sinabi ni mommy. Magpapalipas pa ako ng ilang araw bago ko ulit ito kausapin.

You're Still The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon