Chapter 34

28.7K 913 61
                                    

Enjoy this chapter.

~○~

Hindi nagpapigil sila Callen sa plano nila. Ang laki ng maleta nila ng bumalik sila para kumuha ng mga damit dahil titira na daw sila sa bahay. Wala akong nagawa ng gamitin na nila ang dalawang kwarto sa taas. Hindi naman sa ayaw kong nandito sila pero kung kalokohan lang naman ang gagawin nila para inisan si Clyde, ayokong madagdagan ang kunsumisyon ko.

"Halatang ayaw mo kaming nandito. Kung makatingin ka sa maleta namin parang gusto mong ihampas sa amin."

"Hindi naman ako nainform na halos lahat ng damit niyo ang dinala niyo na parang balak niyo ng tumira dito permanently."

"Maganda nga na nandito kami. Mapapagtripan namin si Clyde, may pinagkakabalahan pa si Cellon. Nakatulong pa siya sa kapatid kong mawala ang stress niya."

Iniwan ko sila para kumuha ng tubig sa baba pero sinundan ako ng pinsan ko. Lagi na lang ba silang nakasunod sa akin kahit wala naman ang taong binabantayan nila.

"Bakit ka sumunod?"

"Gusto ko rin uminom? Bawal ba?"

Pagkatapos kong uminom ay umakyat ako at dumeretso sa office ko. Titingnan ko muna ang mga reports na sinend sakin. Marami namang nagbabatay sa mga anak ko kaya magagawa ko ang mga ito.

Marami mga pending for approval ko ang mga dapat kong basahin. Hindi ako pwedeng magdesisyon kung hindi malinaw ang mga ito. Ayokong magkamali.

Nalibang ako sa pagbabasa ng marinig ko ang pagbukas ng pinto pero hindi ako tumingin para alamin kung sino ito. Malamang ang pinsan ko lang ang pumasok para manggulo dito. Hinayaan ko na nga sila sa plano nila pero huwag lang nila akong guluhin ngayon.

Naramdaman kong may mga kamay na pumatong sa mga balikat ko at unti-unting minamasahe ito. Natigilan ako kaya tumingin na ako sa taong nasa likod ko.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Gusto kitang makasama kaya tumakas ako sa mga pinsan mo."

"Hindi ka ba hinahanap nila Clydia?"

"Don't worry...Nagpaalam ako sa princess natin na hahanapin kita. Hindi mo ba ako namiss? Hindi ako makalapit sayo, ang higpit magbantay ng dalawa."

"Hayaan mo na lang sila. Wala ka namang magagawa kung gusto ka nilang pahirapan? Mapapagod lang akong pagsabihan sila kung wala naman silang balak makinig sakin."

Narelax ako sa ginagawa niya. Kanina pa naman akong nakaupo at sumasakit na rin ang likod ko. Sa daming natambak na files na hindi ko nagagalaw, dumami na at hindi ko naasikaso kaya nahihirapan ako.

"Bakit hindi ka muna magpahinga? Kanina ka pa dito at pagod ka na, Sandra."

"Hindi ko pwedeng pabayaan ang mga ginagawa ko. Nakakatulong naman ang pagmamasahe mo para marelax ako. Ipagpatuloy mo lang yan."

"Ganito ba?"

Diniinan niya ang pagmasahe sa balikat ko. Kapag stress or ganitong marami akong ginagawa, nagpapamassage ako pagkatapos.

"Hmmmm..."

Naramdaman kong ang paglapit niya sa tenga ko,"Magpahinga ka na muna. Kung gusto mo tutulungan kita. Ayokong nakikitang kang stress kung kaya ko naman tumulong at ayokong nahihirapan ka..."

"Clyde, sabi ko naman na kaya ko-"

May kumatok sa pinto,"Cassandra!"

"Bakit?"

"Nakita mo ba si Clyde? Nalingat lang ako, nawala agad sa paningin namin."

Tumigil ang kamay ni Clyde sa narinig kaya napatingin ako sa kanya.

You're Still The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon