Chapter 8

110K 3.1K 1.2K
                                    

Kung nabasa niyo ang post ko sa fb, pasensya na kung nilabas ko ang inis ko doon. Free data lang ang gamit ko kaya kahit gusto kong magreply sa nagmessage sakin hindi ko magawa. Nagrereview po ako kaya wala akong time magcellphone konting pag-intindi naman po sana sa akin. I will dedicate this chapter to the one who defended me to that basher. 😊 cssmglxxx

My So Strict Boss - Book 1
My Snobbish Heart - Teen Fiction
The Black Archer - Fantasy

~¤💜¤~

Ilang minuto na lang ang hihintayin ko at makikita ko na sila. Pagkasabi pa lang ni daddy sakin kagabi na dadating na sila kinabukasan ay hindi na ako nakatulog. Hindi ko na mahintay na yakapin sila.

"Cassandra, nahihilo na kami sayo. Tumigil ka nga kakalakad."

"Huwag ka na lang tumingin sa ginagawa ko para hindi ka mahilo. Hawakan mo lang yan para makita nila daddy. Kapag hindi nila nakita yan, ibebenta ko sa stalker mo ang picture mo."

"Ito na po. Nakataas na para makita nila. Makapagblackmail ka akala mo hindi mo ko pinsan. Dapat binubura mo na yon."

"Hindi ka pa nagbabayad, Callen. Ayaw mo naman ialok ko sa iba kaya maglabas ka na ng pera kung gusto mong burahin ko."

Nakita kong nagsilabasan na ang mga tao. Pinatahimik ko na siya para makita namin kung dumating na sila. Maaga kong niyaya sila Callen na pumunta sa airport. Mas magandang maaga para may susundo agad sa kanila.

Napapatingin ako sa mga batang lumalabas baka makita ko na ang mga baby ko. May nakita akong batang babae na nakapink na dress na may kahawak na dalawang batang lalaki. Nakita ko na sila. Ang binili ko noong damit ang suot nila ngayon.

Tumitingin sila sa paligid. Hindi sila humiwalay sa granddad at grandmom nila. May mga kasama rin sila daddy na mga bodyguards.

"Mommy!" Tumakbo sila papunta sakin.

"I missed you so much, mommy!"

They hugged me and I kissed their heads to show how much I missed them too. My parents are both smiling while watching my babies and me.

"How are you, sweety?"

"I'm fine, dad."

"Looks like your cousins is taking care of you while we are not yet here. Good job, boys."

"Maaasahan niyo po kami, tito. Binabantayan po namin si Cassandra para walang makalapit sa kaniya. Kahit ang elementong ayaw siyang tigilan hindi rin namin pinapalapit."

"Anong binubulong mo dyan, Callen?"

"Huwag mo na lang akong pansinin. Hindi mo naman narinig."

Kung hindi lang nakayakap ang mga anak ko. Pipilitin ko siyang sabihin kung anuman ang binulong niya. Alam kong may tinatago sila kaya lang hindi ko malaman kung ano yon. Naalala ko ang nangyari sa office nila. Baka may koneksyon sa lalaking pumunta noon at sa hindi nila sinasabi sakin.

"Tito nagpareserve na po kami sa isang restaurant para sa lunch natin ngayon."

"Salamat, Cellon." sabi ni mommy.

Hindi humiwalay sakin sila Clydia, Xavier at Zander. Hindi ko maiwasang mapangiti habang nakikita ko ang mga babies kong makakasama ko na ngayon. May mapagkakabalahan na ako hangga't hindi ko pa natatanong si daddy about our company. I know that he finalized everything. Nasabi na rin siguro ni mommy na gusto kong ipagpatuloy ang paghahandle sa company kahit hindi ako nakakapasok.

Nakarating kami sa restaurant at nag-order na kami. Ako na ang namili sa kakainin ng tatlo para alam kong makakakain sila. Hindi naman sila pinabayaan ni mommy pero iba pa rin na ako ang nag-aalaga sa kanila.

You're Still The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon