Chapter 40

26.2K 672 109
                                    

Napagdesisyunan na walang lalabas ng mansion at dinagdagan pa ang mga bodyguards para makasigurong walang makakapasok.

Wala ding resulta sa pagbalik ni daddy sa America dahil hindi rin sila nakahanap na clue na makakakilala kung sino ang mga ito.

Hindi rin pinaalis ang mga kaibigan ko. Pinayagan na magstay muna sila habang hindi nakakasiguradong hindi sila ang maging next target dahil nakasama ko sila.

"Daddy, bakit niyo sapilitang pinalabas si Clyde?"

"Hindi ko hahayaang manatili siya dito."

"Bakit bigla na lang po nagbago ang pakikitungo niyo sa kanya?"

"Kailangan ko lang pakiharapan ang lalaking iyon para magawa ko ang matagal ko ng gustong gawin sa pamilya niya!"

"Ano po ang ginawa niyo?"

Hindi siya sumagot at iniwan akong hindi nasasagot ang tanong ko. Ano ang ginawa niya sa pamilya ni Clyde?

Tumingon ako sa dalawa. May alam ba sila sa sinasabi ni daddy?

"Callen, may alam ba kayo tungkol sa sinabi ni daddy?"

"Huwag kang tumingin sa amin ng ganyan, wala kaming alam kung anuman ang pinaplano ni tito. Magkakasama tayo dito."

"Siguraduhin niyo lang, Callen."

Pinuntahan ko ang mga kwartong pinagamit sa kanila. Magkasama sila Lauren at Kim, sa isa naman ay sina Brix at Hanz. Sa unang kwarto pa lang na tinignan ko ay nakita ko na silang apat na magkakasama.

"Cassandra!"

"Bakit nakita naming pinaalis si Sir Clyde? Paalisin din ba kami?"

"Hindi kayo papaalisin. Mabuting dito na muna kayo hangga't hindi pa siguradong walang nakasunod sa atin."

"Bakit naman may susunod sa atin dito?"

"Huwag niyo ng pansinin ang sinabi ko." Ngumiti ako para hindi na sila magtanong.

"Kung pumayag ang daddy mo, bakit hindi kasama si Sir sa pwedeng magstay dito? Di ba nagkabalikan na kayo?"

"Oo nga! Nakakatakot kanina yung mga bodyguards niyo. Talagang sapilitang pinalabas ng mansion si Sir Clyde kaya akala namin may biglang susulpot na lang at papaalisin din kami." Sabi ni Brix.

Hindi na aabot sa ganon ang mangyayari sa kanila. Talagang iba lang ang galit ni daddy kay Clyde. Gusto ko pa rin malaman kung ano ang plano niya. Anong ginawa nito sa mga Villacorte?

"Guys, may napansin ba kayong kakaiba sa Villacorte?"

"Papanong kakaiba, Cassandra?"

Paano ko ba sasabihin ito. Wala din naman kasi akong clue.

"May nababalitaan ba kayong rumors or news sa Villacorte?"

"Marami naman ganyan don. Hindi naman nawawalan pero patago lang dahil baka mawalan ng trabaho kung sinuman ang nagsimula."sabi ni Laurel.

"Ang alam ko ay ang daddy muna ni Sir ang nagmanage ng Villacorte dahil laging wala si Sir Clyde at alam na namin kung saan niya ginagamit ang oras nito."ngumiti sila sa akin habang nakataingin sa akin. Binato ko sila ng unan para tumigil na sila.

"Tigilan niyo na yan. Bukod kay Clyde, meron pa ba kayong narinig?"

"Wait! Meron palang bagong tsismis na kumakalat sa office. Nagkaroon ng meeting ang lahat ng stockholders noon. May nakakita daw sa daddy ni Sir Clyde na galit na itinapon ang folder na hawak nito. Hindi pa confirm kung ano ang dahilan."

You're Still The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon