Chapter 20

57.8K 2K 452
                                    

Pambawi ko sa matagal na update. Salamat sa inyong nakakaintindi sa mga ginagawa ko. Don't forget your comments. Enjoy! 😊

My So Strict Boss - Book 1
My Snobbish Heart - Teen Fiction
The Black Archer - Fantasy

~○~

Hinihintay nila ang magiging sagot ko pero hindi ko kayang magbitaw ng isang desisyon na hindi ko pinag-isipan. Naalala ko ang sinabi ni Clydia. Kung alam lang ng anak ko na si Clyde ang daddy nila na lagi niyang tinatanong sakin mas magiging masaya siya.

"Huwag mo ng sagutin ang tanong ni Callen. Nakainom lang yan kaya ganyan mag-isip."

"Para namam hindi ka umiinom! Mas marami na nga ang nalalagok mo dyan kaysa sa akin. Wala naman masama sa tinanong ko. Paano nga kung humingi siya ng second chance? Masama na bang magtanong?"

"Huwag na kayong magtalo. Hindi lang naman si Callen ang nagtanong sakin niyan. May nauna ng magtanong sakin."

"Sino?"

"Si Clyde..."

Binaba nila ang hawak na baso,"Kailan nangyari ito? Hindi mo sinabi sa amin."

"Yung pumunta kami sa Villacorte ni daddy. Nakita ko ang mga kaibigan ko na nagtatrabaho pa rin doon. Niyaya ko silang lumabas dahil matagal na rin na hindi kami nakakapagbonding."

"Anong kinalaman ni Clyde kung lumabas kayo?"

"Pumayag lang si daddy na hayaan akong lumabas kasama sila at walang bodyguards na susunod sa amin kung kasama namin si Clyde."

"Kung alam lang ni tito ang ginawa niya sayo, hindi ka niya ipagkakatiwala sa lalaking iyon. Baka nga saktan pa siya dahil siya ang dahilan kung bakit ka muntik makunan noon."

Naalala ko ang araw na sinasabi ni Cellon. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit hindi ko kayang patawarin si Clyde.

Pagkatapos akong paalisin ni Clyde sa Villacorte. Hinatid ako pabalik ni Callen sa hotel. Binantayan niya ako para hindi ako makaalis katulad ng ginawa ko kanina. Binigyan niya rin ako ng tubig para huminahon.

"Tumahan ka na, Cassandra. Hindi mo dapat iniiyakan ang walang kwentang lalaking iyon. Kung sigurado lang ako na hindi ka aalis dito, sumunod na ako kay Cellon para bigyan ng leksyon ang Villacorteng yon sa ginawa niya sayo!"

"A-Ano ba ang gagawin ni Cellon sa kanya? Pigilan mo siya! Baka anong gawin niya kay Clyde..."

"Tama lang ang gagawin niya! Hindi ka niya dapat pinapaiyak. Wala siyang karapatan na gawin ito sayo. Pinayagan ka namin sa mga gusto mong gawin kaya hayaan mo rin kami sa gusto naming gawin sa kanya."

"Hindi mo dapat pinayagan si Cellon. Baka saktan niya si Clyde!"

Hinawakan niya ako sa balikat, " Naririnig mo ba ang sarili mo, Cassandra! Sinaktan ka niya pero siya pa rin ang iniisip mo! Anong gusto mong gawin namin, hayaan siyang gawin ito sayo na hindi kami gaganti? Hindi kami mananahimik sa isang tabi habang nakikita ka naming ganito!"

Ano ba ang dapat kong gawin para maniwala siya? Kahit sinabi kong wala na siyang karapatan sa anak namin, gusto ko pa rin na mabuo kami. Sinabi ko lang iyon dahil nasaktan ako sa mga sinabi niya sa akin. Wala akong kinalaman sa  sinasabi niyang spy sa Villacorte. Bakit ako ba ang pinagbibintangan nila? Ang ginawa ko lang naman tulungan si Sarah pero ako ngayon ang naipit at nawala ang lahat sa akin.

"Callen, pigilan mo ang kapatid mo, please... huwag na kayong gumanti sa kanya. Naguguluhan lang siya ngayon at pwede pang maayos ito."

"Tumigil ka na, Cassandra! Ibabalik ka na namin kay tito. Bumalik ka na sa dating buhay na meron ka! Siguro naman na masaya ka sa mga taong naging independent ka at hinayaan sa gusto mo."

You're Still The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon