Chapter 16

59.6K 2.4K 652
                                    

Mas marami ang nabasa kong si Clyde ang magPOV. Salamat sa mga nagrereply kapag may post ako. Don't forget your comments.

My So Strict Boss - Book 1
My Snobbish Heart - Teen Fiction
The Black Archer - Fantasy

~○~

Ilang araw na ang lumipas, wala pang balita sa pinapagawa ko kay Lancen. Paano ko masisimulang makabawi kay Cassandra kung hindi ko alam kung nasaan siya. Sana naman may magandang balita sa kanya. Naiinip na ako at walang magawa. Ayoko na rin maghintay ng matagal dahil habang nandito lang ako. Hindi ako mapapatawad ng taong mahal ko.

Bumukas ang pinto at pumasok ang pinsan ko. Napatayo ako sa pagkakaupo.

"Good morning, kuya!"

"Ano ng balita sa pinagagawa ko!"

"Pwede bang makaupo muna bago ko sagutin yan?"

"Umupo ka na at magsalita, Lancen!"

Nakaupo na siya pero hindi pa nagsasalita. Naiinip na ako sa sasabihin niya.

"Wala pa akong balita."

Halos batuhin ko na siya ng kahit anong mahawakan ko. May nakita akong makapal na folder at ibabato ko na sana...

"Wait! Pero may plano ako para malaman kung saan nakatira si Cassandra! Bitawan mo na yan, kuya!"

"Sabihin mo na!"

"May binayaran akong tao para magbantay kay Cellon. Kahit saan sila pumunta, tatawagan ako."

"Mabuti naman at may ginawa ka. Ilang araw ko na pinapagawa sayo ito pero wala pang matinong impormasyon ang naibibigay mo!"

"Ikaw kaya ang gumawa ng paraan... ang hirap kayang maghanap ng tao."

"Anong sabi mo!"

Nagpanggap itong walang sinabi. Nauubos na ang pasensya ko sa kanya. Sabi niya tutulungan niya ako pero wala naman nangyayari. Nagsasayang lang ba ako ng oras sa paghihintay sa pinsan ko.

"Bakit ka ba galit na galit? Akala ko ba akong bahala at susunod ka sa  mga sasabihin ko, kuya? Kanina pa ako nakakahalata sayo, tutulong na ako tapos ganyan ka pa. Sinasaktan mo ang damdamin ko."

"Tigilan mo ako at gawin mo na lang-"

Natigil ako sa sinasabi ko ng may tumunog na cellphone. Kinuha nito at sinagot. Tinapos na rin agad ang tawag at ngumiti sa akin.

"Aalis na ako. May gagawin pa ako."

Anong nangyari sa isang yon? Kung makangiti parang may nangyaring maganda. Kapag wala pa akong nalaman sa kanya. Ako na ang gagawa ng paraan.

May kumatok ulit at inaasahan kong bumalik si Lancen pero ang secretary ko ang pumasok.

"Sir, may taong naghahanap po sa inyo."

"Who is it?"

"Si Mr. Garfin po."

Napatayo ako. Lumabas agad ako ng office para mapuntahan ang daddy ni Cassandra. Wala akong natatandaan na may usapan kami. Ano kaya ang dahilan at nandito siya?

"Good morning, Sir."

"Good morning. I want to discuss something with you. Are you free in this hour?"

"Yes, Sir. We can talk in my office."

I waited him to make himself comfortable before I ask what he wants to talk about. He seems so serious and I want to know if something just happen that involves me or he wants to discuss something about her daughter.

You're Still The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon