Chapter 27

54.3K 1.7K 249
                                    

I'm very sorry to all of my readers of this story. Nawala kasi yung phone ko at hindi android ang ginagamit ko sa month na to kaya hindi talaga ako nagsusulat. Maraming mapansamantala at nabiktima nila ako kaya hindi ako makapagsulat. Nanghiram lang ako kaya nakapag-update. Sana maintindihan inyo.

My So Strict Boss - Book 1
My Snobbish Heart - Teen Fiction
The Black Archer - Fantasy
CURSED - Romance posted in Inkitt.

~°~

Nakatingin lang siya sa akin habang pinagpatuloy namin ang naudlot naming pagkain sa pag-iiskandalo ng pinsan ko. Matagal na kaming hindi nagkikita pero ayoko naman na titigan niya ako. Naiilang ako dahil magmula ng batiin ko siya,hindi na siya nagsalita ulit.

"Pare,matunaw naman ang pinsan namin sa pagtitig mo. Hinay hinay naman sa pagtingin baka hindi matunawan si Cassandra."

"Matagal ko na siyang hindi nakita kaya hindi ako makapaniwala na nasa harap ko na siya."

"Hindi niyo talaga makikita ang pinsan namin. Bumalik na siya sa buhay na iniwan niya kaya kahit anong gawin niyo, hindi niyo siya makikita."

"Pinsan?"

Natawa si Callen sa reaksyon ni Ren. Kanina pa niya sinasabi ang salitang iyon pero ngayon lang niya naintindihan kung bakit kami magkakasamang tatlo. Nagpalipat lipat ang tingin niya sa amin.

"Shit! Seriously?"

"Yeah! Bakit hindi ka naniniwala?"

"Kilala ko kayong dalawa. Paanong maniniwala ako kung sobrang pagkakaiba ng ugali niyo? Hindi namin alam kung kailan kayo seryoso o nagsasabi ng totoo. Lahat kami sa club alam yon."

"Paninirang puri ang mga pinagsasabi mo, pare. Kasalanan ba namin kung gusto naming tumulong kapag walang ginagawa ang mga kaibigan natin kapag may problema sila? Nagmamagandang loob lang kami kaya dapat nga lagi niyo kaming nililibre."

"Ang problema kasi sa inyo, hindi naman sila humihingi ng tulong. Nakikigulo lang kayo!"

May ganito talagang ugali and dalawa na nakikialam sa mga problema ng iba pero hindi namn nila intensyon na lumala ito. They have their own way to help them and it also includes their pranks to make fun of them.

"Cassandra..."

Tumingin ako sa kanya,"Bakit?"

"Kamusta ka na?"

"Okay naman. Ikaw?"

"Busy sa business kaya hindi ko maiwan ang kitchen ko dahil may mga customers na ako ang gusto nilang maghanda ng order nila."

Kahit noon pa naman ay sobrang busy na niya. Hindi na siya katulad noon na may oras pa sa ibang bagay. Siya ang naging kaibigan ko na tinutulungan ako. Hindi ko nagawang magpaalam sa kanya pero hindi pa run siya nagbabago.

"Cassandra, masaya ako na nakabalik ka na. Magsabi ka kung saan ka pupunta o kaya pagsabihan mo ang dalawang pinsan mo na sabihan ako kung bigla ka na lang mawawala, sabihin sa akin kung nasaan ka."

"Bakit namin gagawin ang gusto mo, Ren?"

"Hindi ko alam na pinsan niyo siya kaya hindi ko kayo naisipan tanungin kung bakit bigla na lang siya nawala. Kaibigan ko si Cassandra kaya concern rin ako."

"Concern ba yung ilang araw umiinom dahil hindi makita ang pinsan namin. Mga palusot mong hindi gumagana samin."

"Callen, may sinasabi ka ba?"tanong ko.

"Wala! Kausap ko lang si Cellon. Hindi kasi nagsasalita baka kailangan niya lang ako para maalala nating kasama natin siya."

You're Still The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon