Chapter 18

67K 2.3K 638
                                    

Merry Christmas sa inyong lahat. Pamasko ko sa inyo ang chapter na ito.Don't forget your vote and comment.

My So Strict Boss - Book 1
My Snobbish Heart - Teen Fiction
The Black Archer - Fantasy

~○~

Hindi ako makapaniwala na nahawakan ko na ang anak ko. Hindi ko intensyon na lumapit pero para sa kaligtasan niya, magalit man ang mommy niya ay ililigtas ko siya. Marami na akong kasalanan sa kanila kaya kahit hindi niya ako kilala, masaya na ako kung anuman meron ako ngayon pero mas maganda kung makakasama ko sila. Mabuo kami at sisiguraduhin kong hindi ko na sila pakakawalan.

"Mister..."

"Yes?"

"Why did you hurt him?"

"He's a bad guy. He wants to take you away from your family."

She needs to know why I did it. I want her to know I'm not like him and I'll protect her because she's my princess.

"Thank you for saving me."

"Your welcome, baby."

Hindi ko siya binaba habang naglilibot kami. Ayokong masaktan siya sa dami ng taong nandito rin. Kapag may tinuturo siyang stall ay humihinto ako at papanoorin namin ang mga naglalaro. Tuwang tuwa siya sa mga taong nakakakuha ng prize kapag nagawa nila ang challenge.

Naaalala ko sa kanya si Cassandra. Ginawa ko rin ang ginawa ng pinapanood namin ni Clydia para makuha ang gusto niyang stuff toy. Hanggang ngayon nakatabi pa rin iyon at tinago ko. Isa iyon sa nagpapaalala sa akin sa mommy niya.

"Mister..."

"Yes, baby?"

"Can you win this game?"

"I don't know."

Napansin kong lumungkot ito. Target shooting ang game na sinasabi niya. Hindi ko pa nasusubukan ito kaya hindi ko alam kung magagawa ko bang patamaan.

"I thought you can and get that elephant stuff toy for me."

Pareho sila ng mommy niya. Mahilig sa stuff toy na dapat kong paghirapang makuha para sumaya sila.

"I'll try. Just stay here, okay? Don't leave my side until I get your stuff toy."

"Yes! I'll stay here by your side. Please, win it for me."

Nakatingin siya sa akin. Kailangan kong manalo para sa anak ko. Kailangan kong makapagpatumba ng limang maliit na laruan na nakahilera sa harap ko para makuha ko ang gusto ni Clydia.

May kasabayan rin akong naglalaro kaya hindi dapat ako magpatalo sa kanila. Baka iisa lang rin ang gusto namin makuha. Hindi ko na tinanong kung pwedeng bilhin na lang, alam ko naman na hindi nila ipagbibili.

Nakailang try na ako pero nakatatlo pa lang ako. Ang hirap naman nito kung hindi ka sanay sa ganitong laro.

"Mister, you can do it!"

Napangiti ako sa anak ko na pinagcheer pa ako. Ayokong madisappoint siya sa akin. Kailangan na kailangan kong makuha ang gusto niya.

"Sir, maglalaro pa po ba kayo?"

"Oo. Huwag mong ipamimigay ang gusto ng anak ko sa iba. Exclusive na sa akin ang elephant stuff toy na yan."

Tinuro ko ang sinasabi kong prize na gusto kong makuha. Hindi ko na alam kung gaano na kami katagal pero nakuha ko rin ang gusto ni Clydia. Binigay ko sa kanya. Niyakap niya ng mahigpit. Tinawag niya ako at pinapalapit sa kanya. Yumuko ako para magkasing taas lang kami. Hindi ko inaasahan ang ginawa niya. She kissed me on my cheek and smile.

You're Still The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon