Chapter 11

73.3K 2.4K 571
                                    

Ito lang ang nasulat ko. Hindi ko na nadouble check pasensya na.
Sana mag-enjoy kayo. :)

~○~

Nakatingin kaming lima sa kanya. Bigla na lang pumapasok ng hindi kumakatok. Kahit boss siya dapat alam niyang ang simple bagay na yon.

"S-Sir, good morning po."sabi ni Brix.

Binaling ko ang tingin sa mga kaibigan ko. Hindi na dapat siya pumunta dito. Babalik naman ako kung saan ko sila iniwan.

"Cassandra..."

Hindi ako kumibo. Kinuha ko ang cellphone ko at ito ang pinagkaabalahan. Mas mabuti na malibang sa hawak ko huwag lang makita ang taong hindi makaramdam na hindi siya kailangan dito.

"Cassandra..."

"Hoy! Cassandra pansinin mo na si sir. Kami ang nakakaramdam ng tensyon sa inyong dalawa. Kausapin mo na!"

"Tawag ng tawag sa pangalan ko. Hindi pa niya sabihin kung ano ang ipinunta niya dito."

"Sa kanya mo sabihin hindi sakin! Kurutin kita dyan para tigilan mo na kakalaro sa cellphone mo."

"Oo na. Titigil na ako. Amasona ka pa rin, Kim."

Binalik ko na sa bag ang cellphone, "Anong kailangan mo, Mr. Villacorte?"

"Pinapasundo ka na ng daddy mo."

"Nagpaalam ako. Bumalik ka na sa pagtour sa daddy ko at umalis ka na dito. Ako na ang kakausap kay daddy."

Hindi pa ako nagtatagal dito bigla akong pababalikin. I want to spend more time with them without this annoying man.

"Hindi ka pa ba aalis?"

Dumeretso siya sa isang bakanteng upuan at umupo. Walang balak umalis. Nang-iinis ito na alam niyang hindi kami makakapag-usap kung nandito siya. Naiilang ang mga kaibigan ko kapag nandito siya. Hindi ba siya marunong makiramdam.

"Kung hindi ka sasama sakin. Dito lang ako. Pagpatuloy niyo lang ang pagkukwentuhan niyo."

Kinuha ko ang cellphone ko at tumawag kay daddy.

"Hello."

"Daddy, pwede po ba akong magtagal dito? Gusto ko pa pong makausap ang mga kaibigan ko."

"Sweety, I need you here. I want to know what's your opinion. You can still talk to them while we're having our lunch."

Tiningnan ko ng masama si Clyde. Hindi nito itinago ang pagngiti nito na totoong pinapatawag ako. Kaya pala ang lakas ng loob niyang tumambay dahil si daddy ang nag-utos sa kanya.

Itinago ko na ang cellphone sa bag, "Sorry. Pinapatawag talaga ako. Ipagpatuloy na lang natin ang kwentuhan mamaya."

Lumabas na ako at sumunod ang bodyguards. Sumabay siya sa akin. Tahimik kaming sa loob ng elevator. Napapansin ko na palapot ng palapit si Clyde sa tabi ko kaya tinawag ko ang isa sa bodyguard ko.

"Pwede bang dito ka sa tabi ko? Para mas mabantayan mo ako lalo na sa katabi ko."

Walang nagawa ito. Nakita ko ang pagseryo ni Clyde. Mabuti nga sa kanya. Bumukas na ang elevator at lumabas kami. Nauna na siyang maglakad. Natanaw ko na si daddy. Nagsimula na ulit ang tour namin.

Natapos na rin at silang dalawa lang ang nag-usap. Kapag nagtatanong sila, doon lang ako nagsasalita. Napatingin ako sa relo ko. Malapit ng maglunch. Hindi pa ba kami bababa?

You're Still The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon