Chapter 37

26.3K 896 89
                                    

Enjoy this chapter

~○~

Natahimik ang mga kasama ko na  parang sila ang pinagsabihan ni Clyde. Kung dati ay tatahimik ako at titigil pero ngayon, tignan natin kung hanggang saan ang salita niya. Kapag galit siya ay lalo ko pa siyang gagalitin dahil sinumulan niya ito.

Wala akong pakialam kung magalit siya. Para sa iba napakababaw lang ng pinag-awayan namin pero kung nasa sitwasyon ko sila, matutuwa ka ba na ibaling niya ang inis niya sakin. Ako na nga ang pumipigil at isinama na siya, pero sa akin pa magagalit?

Sana pala hinayaan ko na lang silang maiwan sa mansion at bahala sila kung anong gawi nila sa buhay nila.

"Cassandra..lapitan mo na si sir para lumamig ang ulo." sabi ni Brix.

"Gusto mo bang buhusan kita ng yelo para lumamig ang ulo mo?"

"Chill! Hindi ako ang kaaway mo dito? Grabe nakakatakot ka na rin. Huwag na nga magsalita baka madamay pa ako."

"Tumigil ka na dyan, Brix. Mainit na nga ang ulo ng dalawa, dadagdagan mo pa." Saway ni Laurel.

Tumayo na ako. Nakita ko ang shoulder bag ko na nasa table. Dala ni Clyde kanina ito kaya kinuha ko na bago pa niya kunin ulit. Ewan ko ba  sa kanya kung bakit pinilit niyang dalhin ito kaninang pagbaba namin ng kotse.

"Cassandra, ako na ang magdadala ng bag mo."

Ano ba ang problema niya sa bag ko? Kinuha ko nga para macontact ko ang mga pinsan ko kung sakaling mapuno na ako sa ugaling pinapakita niya.

"Bakit ba gusto mong bitbitin ang bag ko? Ako na ang magdadala para kapag gusto ko ng umuwi, may susundo sakin."

"Kaya nga kinukuha ko para wala kang macontact sa dalawang yon! Ako ang maghahatid sayo at nakatira na rin naman ako sa inyo bakit ka pa tatawag sa kanila?"

Narinig ko ang pagbagsak ng anong bagay sa likod ko kung nasaan ang mga  kaibigan ko.

"Sila na!"

"Nagkabalikan na sila!"

"Yes! Balik na sa dati sila Cassandra."

"Binahay na ni Cassandra si Sir Clyde?!"

Anong binahay ang sinasabi nila? Isa pa itong si Clyde, hindi naman siya nakatira na sa bahay. Simula lang na nakatira sila Callen sa mansion ay nagdala na rin siya ng mga damit niya para makitulog sa amin. Minsan lang siya makitulog noon dahil ginagabi siya sa pagbisita sa tatlo.

"Ako na ang magdadala ng bag ko."

"Cassandra!"

Bahala ka dyan! Lumingon ako kay Kim at hinatak ang braso niya, "Alis na tayo!"

"S-Sandali lang yung bag ko."

Kinuha nito ang bag at hinatak ko na siya. Madadaanan namin si Clyde at nang mapansin kong kukunin niya ang braso ko ay hinarang ko si Kim kaya nakalabas ako. Sorry, Kim...

"Wow! Ginawa mo pa akong panangga kay sir."

"Sorry, Kim... Nakita ko kasing hahawakan niya ang braso ko."

"Bakit ba lumalayo ka sa kanya? Ano ba ang pinag-awayan niyo?"

"Simpleng bagay lang pero nainis ako sa sinabi niya kaya hayaan natin siyang sumama sa atin basta huwag lang niya akong hahawakan. Sinimulan niya ito kaya hindi ko siya hahayaang lumapit sa akin."

"Iba ka din mainis. Hindi nagpapahawak? Sa tingin mo ba hindi gagawa ng paraan si sir?"

Nakarating kami ng parking area. Binuksan ni Clyde ang passenger seat at hinihintay akong sumakay. Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi ako uupo dyan! Mag-isa ka dyan!

You're Still The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon