Chapter 6

109K 3.5K 1K
                                    

Balik na sa pov ni Cassandra ito. Gusto kong magfocus sa kanya. Nahirapan rin ako sa pov ni Clyde. Hindi ko alam kung nagustuhan niyo ang pov niya. Hindi ako sanay na nagsusulat ng pov ng lalaki. Okay lang ba yung last chapter? Guys sa mga gustong gumawa ng book cover ng mga story ko. Pasend na lang sa FB ko. AljaneRose Alleje. Salamat sa mga magpapadala ng gawa nila.

My So Strict Boss - Book 1
My Snobbish Heart - Teen Fiction
The Black Archer - Fantasy

~¤¤~

Ilang araw na akong hindi lumalabas ng condo ng mga pinsan ko. Hindi sa banta na baka nalaman na ng mga nagbabanta sa akin dahil lang sa tinatamad ako. Mas gusto kong manood ng mga movies kaysa lumabas at mainit pa.

Wala rin akong makausap. Hindi pa sila bumabalik sa kung saan man sila nagpupuntang dalawa. Kung nandito lang ang mga baby ko hindi ako mabobore at sila lang ang pagtutuunan ko ng pansin hangga't hindi pa ako nagtatrabaho. I missed them so much.

Hindi na sana nalaman ni daddy para hindi ako ngayon nababagot at walang magawa sa kwarto ko. May mga movies na paulit ulit ko na lang pinapanood. Mga luma na ang mga nandito.

Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan ang dalawa. Wala ba silang balak balikan ako dito.

"Hello..."

"Nasaan kayo ngayon?"

"Nagtatrabaho."

"Kailan pa naging lugar yan, Callen? Ang ayos ng tanong ko kaya sagutin mo."

"Bakit ang init ng ulo mo ngayon? Meron ka ba?"

"Bakit napasok ang tanong na yan? Nababagot na ako dito. Samahan niyo naman ako."

Wala ng sumasagot kaya tiningnan ko kung nag-end na ang call pero hindi pa.

"Callen!"

"Huwag kang sumigaw, Cassandra. Naririnig pa rin kita. Dapat kasi si Cellon na lang ang tinawagan mo kung maninigaw ka lang. Ito na po mahal kong pinsan, susunduin ko na ang kakambal kong kasing sungit mo. Mabuti na lang ako mabait hindi katulad niyong dalawa..."

"May sinasabi ka?!"

"Wala. Bye!"

Binaba na niya. Pinatay ko ang TV at naghanap ako ng isusuot. May makakasama na akong lumabas. Nakaligo na ako at nakapag-ayos pero hindi pa rin sila dumadating. Ilang oras kaya ako maghihintay? Noon nakalipas ang isang oras bago sila dumating, ilan naman kaya ngayon?

Tama nga sigurong si Cellon ang tinawagan ko, laging late si Callen. Sana magbago na siya. Panay tingin ko sa oras. Kinuha ko ang bag ko at lumabas. Mauuna na muna akong mag-ikot sa mall at pasusunurin ko na lang sila. Hindi ako sigurado kay Callen kung sasabihin niya agad kay Cellon na tumawag ako. Baka mamaya pa niya masabi.

Iniwan ni Cellon ang kotse niya para kung gusto kong umalis may magagamit ako. Kinuha ko ang susi at umalis.

Saan kaya magandang mall pumunta? Gustong kong maglibot para makita kung ano ang pinagbago dito mula ng umalis ako. Marami na ang nagbago sa lugar na ito sabay sa pagbabago ko.

May gusto akong inumin. Alam ko na kung saan ako pupunta. Narating ko ang mall at bumili ng gusto ko. Nagtext rin ako kay Callen na umalis ako at pumunta na lang sa mall. Ang dami kong nakitang nagbago ng huling nakapunta ako dito. Wala ngang permanente, may mga pagbabagong hindi mo inaasahan.

Marami na akong pinasukan ng kung anu-anong bagong store. Nakabili rin ako ng bagong damit kahit marami pa akong hindi nagagamit sa mga maleta kong dala ng magpunta ako dito.

Narinig kong tumunog ang cellphone ko. Si Cellon ang tumatawag.

"Hello, Cellon..."

"Nandito na kami. Nasaan ka ngayon?"

You're Still The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon