Chapter 28

53.6K 1.6K 357
                                    

Enjoy :) Guys kung sino sa inyo ang gumagawa ng book cover. Can you make one for this story or other stories of mine? You can send them to my FB account. Salamat sa mga magsesend at pasensya na rin sa mga nagsend noon. Nawala yung phone ko at nakasave ang mga nagpasa sa akin.

My So Strict Boss - Book 1
My Snobbish Heart - Teen Fiction
The Black Archer - Fantasy
CURSED - Romance posted in Inkitt.

~°~

Nagsimula ng maglakad ang nagbubuhat sa akin. Hindi ko pa rin kilala kung sino ito pero familiar ang boses at perfume na gamit niya. Kumapit pa ako sa leeg nito dahil gustong gusto ko ang pakiramdam na nasa bisig niya ako.

"Ilang araw lang ako nawala kasama mo na agad ang Ren na yon. Ganito pa ang maaabutan ko sa pagdating ko!"

"S-Sino ka ba? Bakit ka s-sumisigaw?"

"Gusto mo bang ipaalala ko sayo kung sino ako, Cassandra?"

"T-Tinatanong nga kita kaya s-sabihin mo na..."

"Tumingin ka sa akin."

Humarap ako sa kanya pero nakapikit pa rin ako. Inaantok na ako at gusto ko ng matulog. Naramdaman ko ang pagdikit ng malambot at mainit na bagay sa mga labi ko. Gumalaw ito pero hindi ko magawang dumilat para malaman kung ano ito.

Tumigil na rin siya sa paglalakad. Binaba niya ako at hinawakan ang pisngi ko para mas palapitin pa sa kanya.

"Cassandra...open your eyes..."

Sinunod ko ang sinabi niya. Nakita ko ang mga mata niyang na nagmamay-ari ng taong gumugulo sa isip ko.

"C-Clyde..."

"Yes, I am. I miss you..."

Naalala kong ilang araw siyang hindi nagpakita tapos ganito siyang umasta na parang may karapatan siya sa akin. Tinulak ko siya pero hindi niya pa rin inaalis ang braso niyang umaalalay sa akin.

"Let me go..."

"I'm angry, Cassandra, but I know where I'm standing in your life. You can't decide if you'll give me a chance but it doesn't mean I'll let my guard down and let other man steal you from me."

Binuhat niya ako muli at pumasok kami sa kwarto ko. Binaba niya ako sa kama, naramdaman kong tinanggal niya ang sandals ko at inayos ang kumot ko. Umupo ako dahil naiinitan ako sa suot ko. Balak ko sanang hubarin ang damit ko pero pinigilan niya ako.

"Wait for yaya Yolly to help you."

Bakit kailangan ko pang hintayin si yaya kung kaya ko naman? Sumandal ako at sinunod na lang ang sinabi niya. Dumating si yaya at tinulungan ako.

"Ikaw talagang bata ka, bakit naglasing ka ng ganito? Sabi ko sa pinsan mo na ilabas ka pero hindi ko akalain na sa bar ka dadalhin. Papagalitan ko ang dalawang batang yon kapag bumalik dito."

"Yaya, gusto ko na pong matulog..."

"Pupunasan pa kita, iha."

"Ako na lang po ang magpupunas sa kanya, yaya. Pasensya na po na naistorbo pa kayo para lang bihisan si Cassandra."

"Okay lang,iho. Hindi rin ako makatulog hangga't hindi pa umuuwi ang batang ito. Mabuti na lang na tinawag mo ako. Ikaw na ang bahala sa kanya kung may kailangan ka pa, nasa kwarto lang ako."

Humiga ako at may malamig na bagay na pinupunas sa balat ko.

"Sleep well, Cassandra..."

Nagising ako sa liwanag na nagmumula sa bintana. Napahawak ako sa noo ko. Kailangang kang uminom para mawala ang sakit ng ulo ko. Tatayo na sana ako pero hindi ko magawa. May pumipigil sa akin. Tinanggal ko ang kumot at nakita ko si Clyde na natutulog sa tabi ko. Nakadagan sa tiyan ko ang braso niya. Kapag aalisin ko, hihigpit ito na parang ayaw akong paalisin.

You're Still The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon