Chapter 46

16.2K 509 60
                                        

Nagulat ako ng biglang sumigaw si Callen, "ANONG SABI MO! Bakit sila pupunta? Malalaman ni tito na dumaan tayo dito. Ano na naman ang idadahilan ko sa kanya? Malalagot ako, Cassandra! Wala pa naman si Cellon para pareho kaming haharap kay tito. Sabi ko sayo, hindi magandang pinakausap mo si Zander sa kanya."

"Gusto ng anak kong makausap siya. Anong gusto mong gawin ko? Magsinungaling? Alam mo naman hindi titigil ang pamangkin mo kakatanong kung nasaan tayo. Ikaw na lang sana ang nakipag-usap sa kanila."

Akala ba niya siya lang ang mapapagalitan. Magkasama kami, pareho kaming haharap kay daddy. Kahit man lang makausap ni Clyde ang mga bata, ipagkakait ko pa ba yon?

"Clyde, sino ang huli mong nakausap sa tatlo?"tanong ng pinsan ko.

"Bakit mo tinatanong?"

Nagtaka kami bakit niya tinatanong,"Nakasalalay sa isasagot mo ang buhay ko!"

"Si Xavier."

"Wala na, Cassandra. Ako na ang susunod na ma-admit dito."

"Bakit?"

"Hindi mo ba naiintindihan, Cassandra. Pangalawang nakausap niya si Clydia. Hindi ka pa ba kinakabahan sa mangyayari? "

Anong problema niya kung nauna si Clydia?,"Hahanapin niya agad si tito para magpaalam! Alam mo naman na excited laging lumabas ang anak mo. Kung alam na ni tito, tatawagan na ako!"

Tumunog na nga ang cellphone niya at pinakita sakin,"Sabi ko sayo! Mapapadali ang buhay ko nito kay Clydia, hindi muna naghintay bago sugurin si tito. Kapangalan pa ng tatay niya na magiging ka-room mate ka sa susunod ng araw. Feeling ko sobrang stress ko na, Cassandra. Lalabas muna ako para walang makarinig sa sermon sakin."

Tumahimik ang buong kwarto. Kung alam ko lang na ganito na hindi ako komportable na kasama namin ang parents niya. Sumama na lang sana ako sa paglabas ni Callen.

"Kamusta ka na, Cassandra?"

"Okay lang po ako tita."

"Totoo ba ang sinabi mo na isasama ng parents mo ang mga bata?"

"Opo. Gusto daw po makita ng tatlo si Clyde. Hindi ko lang po sure kung anong oras sila dadating."

"Harry! Narinig mo yon! Makikita ulit natin ang mga bata!"nagulat ako sa reaksyon ng mommy ni Clyde. Gusto nilang makita ang mga bata. Tumingin ako sa taong nakahiga sa kama. Nakatingin din siya sa mommy niya.

"Mommy, I'll have to warn you about not mentioning anything about being their father." Clyde said that makes his parents confused.

"What do you mean? They don't know the truth about you?"

"No."

Napabaling sakin ang tingin nila. Nagtataka sa sinabi ng anak nila. Hindi pa namin napapag-usapan ulit ang tungkol sa bagay na iyon.

"Why, Cassandra? They need to know the truth. I know my son made a mistake. You already forgave him but you still not give him a chance to be their father?"

"Mom, don't blame her. We decided not to tell them unless the children are comfortable that I'm with them."

"Bakit niyo pa pinatagal? Ano pa ba ang dapat mong gawin para matanggap ka niya at masabi niyo na sa kanila. Cassandra, bakit mo pa pinapahirapan si Clyde?"

Nasabi naman namin ang rason sa kanila pero parang ang lumalabas pa ay kasalanan ko. Hindi ko gustong biglain ang mga anak ko at pumayag naman si Clyde pero iba ang iniisip nila. Iyon pa din ang nasa isip nila. Pinapahirapan ko ang anak nila? Hindi madaling patawarin si Clyde pero ginawa ko dahil pareho lang kaming naging biktima sa mga ginawa ni Thalia.

You're Still The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon