Chapter 38

29.7K 908 144
                                    

Enjoy this chapter

~○~

Nang malaman nila na triplets ang baby ko, hindi nila ako tinigilan na gusto nilang makita ang tatlo. Hindi sila makapaniwala na tatlo ang naging anak namumin ni Clyde.

"Cassandra, kailan namin makikita ang triplets mo? Gusto kong makita!"

"Bakit hindi mo agad sinabi? Nandito ba sila sa pilipinas?"

Nabatukan si Brix sa tinanong niya,"Siyempre nandito. Gugustuhin bang manalo ni sir ng stuff toys kung nasa malayo yung mga bata? Hindi rin papayag si Cassandra na malayo sa mga bata."

"Bakit ka nananakit? Nagtanong lang yung tao."

Wala na sa laro ang atensyon nila at hindi ko na rin makita kung ano na ang nangyayari sa paglalaro ni Clyde. Hinarangan nilang apat ang harapan ko kung nasaan yung stall.

"Nasa bahay yung tatlo. Binabantayan ng mga pinsan ko."

"Bakit hindi mo sila sinama?"

"Kaya nga iniwan ko muna para makalabas tayo."

"Mas masaya kapag may batang kasama. Isip-bata lang naman ang kasama natin ngayon."

"May pinaparinggan ka ba, Laurel?"tanong ni Brix.

"Bakit? Natamaan ka ba?"

Hindi pa rin sila magkasundo. May nag-abot sa akin ng stuff toy at kinuha ko.

"Isa na lang."

Bumalik ulit ito. Hindi ko na alam kung pang-ilang beses na ang paglalaro niya. May mga nanonood na rin sa kanya dahil hindi talaga siya tumitigil hangga't hindi siya nananalo.

"Masaya din maglaro kung unlimited ang pagtry mo. Mas malaki yung chance na manalo ka."

"Bakit hindi mo itry?"

"Hindi naman ako kasing yaman ni Sir Clyde na pwede yung ginagawa niya. Ang mahal kaya. Kaya niyang maglaro buong araw."

Sabagay tama ang sinabi niya. Mas iisipin nga niya ang gastos. Hindi ko naman mapipigilan si Clyde. Sobrang focus na manalo at kinukuha lang ang ring kapag wala na siyang maibato.

"Hanggang anong oras ba dito si Sir? Upo muna tayo."

"Baka hindi niya tayo makita."

"Lapitan mo muna siya sabihin mong maghahanap lang tayo ng mauupuan. Kami na ang magdadala niyan."

Kinuha nila ang mga stuff toys at nilapitan ko si Clyde.

"Clyde..."

Hindi siya lumingon kaya kinalabit ko siya. Nawala na sa laro ang atensyon niya.

"Aalis muna kami."

"Bakit ka aalis? Bakit mo ko iiwan dito?"

Sasagutin ko na sana ng marinig ko ang mga babaeng sa paligid,"Grabe si girl, iiwan si kuya."

"Kung ako ang kasama ni kuya. Sobra kapit ako. Ang gwapo niya at kailangang bakuran baka maagaw ng iba."

"Iba din si girl. Mas gustong umalis at hindi bantayan si kuya. Girlfriend ba siya? Baka naman friend lang at umaastang GF."

Kung anu-ano ang naririnig ko. Hindi ba pwedeng umupo. Sobrang judgemental at baka mabato ko sila ng ring na hawak ng kaharap ko. Kakaiba din kasi ang tanong niya. Iiwan agad? Ang dami ng taong nanonood sa kanya kaya ayokong ng makipagsiksikan sa tao at hihintayin ko na lang na matapos.

"Sandra, bakit mo ko iiwan? Hindi pa ako nananalo ng isa pa. Kulang pa yung stuff toys para sa mga babies natin."

"Babies? Mag-asawa na ba sila?"

You're Still The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon