Chapter 31

33.6K 1.3K 220
                                    

Sorry sa matagal na update. Enjoy this chapter and thank you for still supporting this story.

~°~

Huminto ang kotse at lumabas siya. Pinagbuksan ako ng pinto at may kinuha sa likod ng kotse. May dala siyang picnic basket at blanket. Naglakad na siya palayo pero huminto rin ng hindi niya nakitang sumunod ako. Bumalik siya at hinawakan ang kamay ko.

"Where are we going, Clyde?"

"We're having a picnic. I know a great spot for us to eat what I made for you."

"Did you really made them?"

"Y-Yeah. I put them inside the basket."

Natawa ako sa sinabi niya. Hindi naman siya marunong magluto at baka binili lang niya ang mga dinala niya ngayon.

Huminto kami sa tabi ng malaking puno. Inayos niya ang blanket na uupuan namin. Ang ganda ng view ng lugar na ito. Gusto kong dalhin ang mga baby ko dito at magpicnic na din.

"Kumain na tayo, Sandra."

Nakita ko ang pagkain na dala niya. May sandwiches, carbonara, fruits at marami pang iba. Dalawa lang kaming kakain nito.

"Bakit ang dami mong pagkaing dinala?"

"Hindi ko alam kung ano ang gusto mong kainin kaya dinagdagan ko na para marami kang mapagpilian."

Kumain na ako. Masarap ang mga pagkain kaya nakaramdam din ako ng gutom.

"Clyde, hindi ako makakain ng maayos kung nakatingin ka sa akin."

"I can't help it, Sandra. I can't believe that you are here with me."

"Kanina pa tayo magkasama pero hindi ka pa rin makapaniwalang kasama mo ako? Ano ba yang pinagsasabi mo, Clyde?"

"Alam kong mahirap sayong magdesisyon lalo na kung tungkol na sating dalawa kaya gusto ko samantalahin na titigan ka. Baka malingat lang ako,wala ka na sa tabi ko at nananaginip lang ako na kasama kita ngayon."

Kumuha ako ng sandwich at inabot sa kanya,"Kumain ka na lang baka gutom ka lang at anu-ano ang sinasabi mo."

"This time, Sandra, I have to give all of me just to make you see I'm still your man, I'm still your only man that will give everything just to make you happy."

Tinigilan na niya ang pagtitig sa akin at kumain na rin.  Tahimik akong nakatingin sa harapan ko at ini-enjoy ang sariwang hangin. Napakatahimik at gusto ko na lang manatili dito. Sana ganito ang buhay ko ngayon, walang panganib na nakapatong sa balikat ko at hindi na ako matatakot na anumang oras ay may susulpot para siraan ang buhay ko. Sana ganito na lang... kasama ko ang mga yaong importante sa buhay ko...

"Sandra, bakit ang tahimik mo?"

"May iniisip lang..."

"Ako ba yan?"

"Ha?"

"Ang sabi ko, ako ba iniisip mo?" nagtaka ako sa tinanong niya.

"Bakit naman kita iisipin?"

"Siyempre nangako kang tayong dalawa lang ngayon. Ako lang dapat ang iniisip mo at wala ng iba. Sa akin ka lang dapat tumingin, hindi sa ibang direksyon."

"Napakapossessive mo naman, Clyde. Magkasama tayo ngayon kaya hindi mo na kailangang magdemand ng ganyan. Ano bang problema mo kung sa ibang direksyon ako tumingin?"

"Paano mo ako makikita kung sa iba ka nakatingin? Magkasama nga tayo pero parang mas gusto mo ang ibang bagay kaysa sa akin? Ako dapat ang pinagtutuunan mo ng pansin. Gusto mo bang may gawin ako para mabaling ang atensyon mo sakin?"

You're Still The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon