Chapter 32

32.7K 1.2K 200
                                    

Nakapag-update na ulit. Enjoy this chapter and thank you for still supporting this story.

~°~

Hindi pa rin siya umaalis sa pagkakaluhod sa harapan ko. Gusto ko sanang makita ang mukha niya kaso nakayuko ito habang hawak ang kamay ko.

"Can you repeat it again, Sandra?"

"I said, I still love you."

"DAMN! If this is just a dream, I don't want to wake up..."

Nabitawan niya ang kamay ko kaya hinaplos ko ang pisngi niya. Ang hirap bang paniwalan na mahal pa rin kita, Clyde? Niyakap ko siya para maramdaman niya totoo ang nangyayari ngayon.

"Can you feel my heart beats fast, Clyde? It's because of you. I promised to myself that if ever I see you again, I'll never give you a chance. You really hurt me and to be able to move on was to control my emotion. I've been doing just fine but when you finally found me, you always grab a chance to say your feelings but I ignored it. I've never listen to you. Iniisip ko na bakit ngayon lang? Hindi na kita kailangan. Kaya kong mag-isang palakihin ang mga anak ko. Hindi ako magpapaapekto dahil ikaw naman ang unang nawalan ng tiwala."

"Sandra-"

Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. Ayokong magsalita siya. Gusto kong sabihin lahat ng iniisip ko noon. Lagi na lang siya ang nagsasabi ng nararamdaman. Now it's my time to say my feelings.

"Wala akong pakiaalam kung masaktan ka. Kahit ano pa ang sabihin mo, hindi mo na maibabalik ang lahat. Nasaktan na ako. Hindi ko na hahayaang magtiwala pa sayo. Sinabi mong may tiwala ka sakin pero ikaw ang naunang hindi naniwala. Nilayo ako ng mga pinsan ko para hindi na kita isipin, huwag na akong mag-aksaya ng oras para sayo."

"Hindi ka rin tumigil sa kakasuyo sa akin kaya namalayan ko na lang na tumibok na naman ang puso ko. Nakikita kitang masaya kasama ang mga bata kahit gusto mong magpakilala ay hindi mo ginawa. Ginalang mo ang desisyon ko. Lagi na lang ako ang una."

Bumitaw ako sa kanya at ngumiti, "Huwag ka ng magpapadala sa selos mo, Clyde. Akala ko noon na naniwala kang ako ang nagtraydor sa Villacorte at nadagdagan pa na nakita mo kaming magkasama nila Callen. Alam kong seloso ka kaya kapag may nalaman ka tungkol sakin, mag-usap muna tayo. Kapag naulit pa iyon, hindi na talaga ako babalik sayo. Ilalayo ko ang tatlo at hindi mo na ulit kami makikita..."

Itinulak niya ako kaya napahiga ako sa kama habang nakahiga na rin siya sa tabi ko, "Huwag kang magsalita ng ganyan. Wala pa ngang isang oras na akin ka, nagsasabi ka na agad na lalayo ka kasama ang mga anak natin. Gusto mo ba akong makitang mas miserable pa sa mga video? Gusto mo ba akong umiyak sa harap mo?"

Pumikit ako habang ramdam ko ang init niya sa tabi ko. Namiss ko ito. Na may yumayakap sa akin habang matutulog. Sinanay niya ako.

"Magpahinga na tayo."

"Hmmm..."

Natigilan ito,"Huwag ka ng sasagot ng ganyan, Sandra..."

"Anong problema kung ganoon ang isagot ko?"

"Basta! Iba ang nararamdaman ko kaya matulog na tayo at baka hindi pa kita patulugin dyan."

"Hmmm..."

"Shit!..."

Inaantok na ako. Kailangan na naming umuwi ng maaga. Baka hanapin na kami ng mga bata.

Nagising ako na wala na ang katabi ko. Saan ba siya nagpunta? Umupo ako sa kama at sumandal. Nahihilo ako sa biglang pag-upo ko para hanapin siya sa kwarto pero wala naman.

Bumukas ang pinto at may dala siyang pagkain. Nilagay niya sa tabi ko at nagulat ako ng bigla niya akong halikan.

"Ano ba! Hindi pa ako naghihilamos at nagtooth brush."

You're Still The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon