Chapter 45

14.6K 507 73
                                    

Hindi siya makapagsalita dahil alam niyang totoo ang sinasabi ko. Hindi pa ba siya napapagod sa ginagawa niya? Kung ayaw sa kanya ng tao, huwag na niyang ipilit dahil kahit ano pa ang gawin niya kung walang interest sa kanya ang isang tao wala siyang magagawa. Siya lang ang masasaktan.

Ayokong manakit ng tao pero hindi niya alam kung kailan ba dapat siya tumigil. Nakakaawa siya. Ilang taon na ba niyang pinipilt na magustuhan siya ni Clyde, wala pa man ako ay hindi naman siya binigyan ng kahit anong atensyon maliban sa kababata lang. Huwag niyang hintayin na kahit yon ay mawala pa sa kanilang dalawa.

"Matagal ko ng alam, Cassandra! Kaya huwag mo ng ipagdiinan na ikaw ang pinili niya. Matagal na akong naghihintay pero anong magagawa ko, mahal ko siya! Kahit anong gawin ko, hindi niya ako binibigyan ng atensyon na katulad ng sayo. Magkababata lang kami pero bakit ganon....Ako ang una niyang nakilala pero bakit ikaw? Bakit ganito siya kabaliw sayo? Ano ba ang meron ka na wala ako! Ginawa ko na ang lahat, hindi ba niya kayang mahalin ako noong panahon na hindi na kayo. Ako ang nasa tabi niya. Iniwan mo siya! Ang lakas ng loob mong bumalik na parang walang nangyari?"

Mabuti na lang ay walang taong napapadaan. Hindi nasusukat sa panahon ng pinagsamahan kung ibabalik ba ng tao na mahalin siya.

"Sa tingin mo ba ginusto kong umalis, Thalia? Wala kang alam sa nangyari kaya huwag kang manisi. Huwag kang makialam dahil wala kang karapatang himasukan ang relasyon na meron kami. Kung naghiwalay man kami pareho kaming  nagdesisyon sa bagay na yon. Ikaw ang nag nagpipilit na makisali tapos ngayon isusumbat mo sakin kung bakit ako pa din? Tignan mo muna ang sarili mo dahil kahit noon pa naman sinabi na sayo ni Clyde na kaibigan ka lang. Ikaw lang nag-assume na hihigit pa doon ang meron kayo."

"Ako na ang umaasa pero masisisi mo ba ako kung sa panahon na kailangan ko ng isang tao, si Gabriel ang nasa tabi ko. Siya ang tumulong sakin sa mga araw na kailangan ko. Inisip ko na baka may pag-asa kami. Inisip ko na baka kailangan ko lang ipakita na mahal ko siya. Ginawa ko lahat! Ginawa ko ang mga bagay na kahit alam kong hindi tama, nagawa ko dahil gusto kong ako naman ang piliin niya. Sana ako naman..."

Kahit alam kong masama ang ugali niya. Nakikita ko ang isang babaeng nasasaktan dahil kahit anong gawin niya, hindi siya minahal ng taong mahal niya. Gusto ko siyang intindihan pero sa ginagawa niya, kailangan din niya malaman na hindi lahat makukuha niya kahit ano pa ang gawin niya.

"You can't force someone to love you. If you did everything to make him notice you then accept his decision if he didn't choose you at the end."

"Ayoko. Siya lang ang gusto ko. Bakit hindi niya ako bigyan ng kahit konting atensyon? Ano pa ba ang dapat kong gawin? Nagawa ko na kayong paglayuin, bakit ka pa bumalik? Hindi ka na dapat nagpakita sa kanya. Dapat humanap ka na ng iba para hindi na kayo nagkabalikan!"

Natigilan ako sa sinabi niya. Sa mga nangyari sa amin noon, siya ang may pakana nito? Siya ang sumira sa amin ni Clyde. Siya ang dahilan kung bakit kami naghiwalay at hindi nakasama ng mga bata ang daddy nila.

"Ikaw ang may pakana ng lahat ng yon? Ikaw ang nagpalabas na nakikipagkita ako sa ibang lalaki at ako ang nagbibigay ng impormasyon sa ibang kompanya about sa Villacorte!"

Bumalik lahat ng alala ng nag-away kami ni Clyde dahil lahat ng mga sinasabi nito ay wala akong alam. Nasisi ako sa mga ito at dahil lang sa babaeng nasa harap ko na nagpalabas na masama ako.

"Oo! Ginawa ko lahat! Pinasundan kita para malaman ko kung may ibang lalaki kang kasama. Hindi nga ako nagkamali dahil kasama mo ang magkapatid na Garfin. Bakit ko pa aalamin kung sino sila sa buhay mo? Simpleng tao ka lang noon kaya kahit sino ang makakita sa inyo iisipin na sumasama ka sa ibang lalaki! Ang pagbibigay mo ng impormasyon, nagbayad ako ng tao para lang ipitin ka. Lahat ng bagay nabibili ng pera kahit tao gagawin ang lahat basta bayaran lang ng malaki!"

You're Still The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon