Chapter 33

31.3K 1K 101
                                    

Pasensya na sa mga naghihintay sa update ng story na ito. Nawalan ako ng ganang magsulat kasi namatay yung aso kong husky. 😢
Hindi gumagana ang utak ko kaya natagalan na maipagpatuloy kong isulat ang susunod na chapter.

~○~

Nakatingin sa amin ang mga pinsan ko. Sana matanggap nila na okay na kami ni Clyde. Nabigla ako ng bigla akong hatakin ni Cellon sa braso at nilayo.

"Huwag mong asahan na matatanggap namin ang desisyon ni Cassandra. Kung nagkaayos kayo, sa tingin mo ganoon din ang pamilya niya?"

"Cellon, tumigil ka na-"

"Hayaan mo siya, Sandra. Alam ko naman na hindi nila matatanggap na maayos na tayo."

"Masisisi mo ba kami? Hinayaan naming maging kayo at bantayan ka sa malayo dahil ayaw mong makialam kami pero anong ginawa niya, sinaktan ka lang! Wala na kaming tiwala sa kanya!"

Hindi talaga titigil si Cellon. Pakiramdam ko na may kinalaman sila kung bakit hindi ako nahanap ng mga kinuhang private investigator ni Clyde.

"Alam kong mahirap ibalik ang tiwala niyo pero sana naman bigyan niyo ako ng pagkakataon na itama ang nagawa ko. Alam niyo rin ang hirap ko sa paghahanap sa kaniya."

"Kulang pa yon, Clyde! Sa tingin mo ba okay rin samin na makita siyang umiyak ng pagtabuyan mo siya? Hindi mo hinayaan na magpaliwanag ang pinsan namin, inuna mo ang sarili mong galit kaysa sa kanya at ng mga anak mo. Hindi ka nakinig! Bakit kami makikinig sayo kung yon ang hindi mo ginawa noon?" Galit na sabi ni Cellon.

Napapalakas na ang boses nila. Sana hindi marinig ng mga bata ang pagtatalo nila. Hindi ko mapigilan si Cellon. Minsan lang siya makialam at laging may rason siya kung bakit niya ginagawa ito.

Tumingin ako sa kapatid niya na hindi nakikigulo sa dalawa. Humarap ako sa kanya at tumingin siya sakin.

"Hindi mo ba ako tutulungan na pigilan sila?"

"Ayoko nga. Baka ako naman ang sigawan ni Cellon. Huwag na lang tayo makialam. Away nila yan. Manood na lang tayo, may pagkain ba kayo? Nag-eenjoy akong manood." ngumiti pa siya sakin.

"Seryoso ka ba sa sinasabi mo? Ikaw lang ang may gustong panoorin sila. Baka marinig sila ng mga bata sa taas."

Hinatak niya ako at pinaupo sa tabi niya, "Hayaan muna natin sila. Hindi natin mapipigilan si Cellon at alam mo yan, Cassandra. Napuno na ni Clyde ang pasensiya niya. Sa tingin mo ba hindi ko sila pipigilan kung sumosobra na ang kapatid ko? Kahit ganito akong gwapo kaya kong patigilan ang kapatid ko."

Pinagmalaki pa talaga niya. Wala talaga akong maasahan sa kanya ngayon, ginagawa niyang biro ang nangyayari.

"Cellon, please tigilan niyo na to. Baka marinig kayo ng mga anak ko. Sila ang ipinunta niyo dito di ba?"

"Hindi ko naman akalain na may taong hindi welcome sa bahay na to na nakakalapit na sa mga pamangkin ko. Hindi mo sinabi sakin, Cassandra."

"Sorry kung hindi ko nasabi. Pag-usapan na lang natin ito sa ibang araw."

Sana pumayag siya. Ayokong tumagal pa ito at kakaayos lang namin ni Clyde. Wala pang isang araw ay may tumututol na sa desisyon ko. Alam kong hindi lang sila ang magagalit at kailangan kong paghandaan ang pagdating nila. Kung ganito na ang reaksyon nila, pano pa si daddy at mommy.

Ang sama ng tingin ni Cellon kay Clyde, "Hindi pa tayo tapos. Huwag mong isipin na okay lang ito sa amin. Hindi madaling pumasok ulit sa buhay ng isang Garfin. Mahirap ibalik ang tiwala namin."

Tumawa ang katabi ko,"Well said, kapatid!" Pumalapak pa ito.

Kunurot ko siya para tumigil, "Aray! Ano ba, Cassandra? Bigla kang nananakit kapag katabi mo ko. Kung nanggigigil ka kay Cellon dahil inaaway niya si Clyde, siya ang kurutin mo. Nananahimik yung tao."

You're Still The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon