Sorry ngayon lang ako nakapagsulat. Inaayos ko na yung mga requirements ko sa tumanggap sa akin kaya malapit na akong magwork. Salamat sa mga messages niyo at prayers.😊
My So Strict Boss - Book 1
My Snobbish Heart - Teen Fiction
The Black Archer - Fantasy~○~
Umupo ako sa kama at sinubukan ng tawagan ang number na binigay ni Callen. Hindi niya sinasagot pero ng ikatatlong subok ko na, narinig ko na ang boses niya.
"Hello. Who is this?"
Hindi ako nakasagot agad. Kinabahan ako kung papayag ba siya na makipagkita sa akin. Kailangan ko itong gawin para sa mga bata. Mas uunahin kong maging masaya sila kaysa sa gusto ko. Ganito naman talaga kapag naging isang ina, uunahin ang mga anak nila.
"I don't have time for this prank calls!"
"W-Wait-"
Pinatay na niya. Hindi ako makapaniwalang binabaan niya ako! Nakailang beses akong tumawag sa kanya tapos ibababa niya lang! The nerve of this man, he should learn how to be patient in every damn calls he received. What if it is important but he end it without knowing them.
Sinubukan ko ulit. Nahihirapan akong gawin to dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin siya kayang tanggapin sa buhay namin pero ako na itong gumagawa ng paraan, papatayan lang ako!
"Don't waste my time and stop calling-"
"It's me, Mr. Villacorte. Do you want me to end this before you hear what I have to say?"
"C-Cassandra..."
Mabuti naman nakilala niya ang boses ko.
"P-Paano mo nalaman ang number ko?"
"Binigay ng pinsan ko. Pwede ka bang makausap?"
"Sige. Ano ba ang gusto mong pag-usapan natin?"
Ayokong pag-usapan sa phone ang tungkol sa bata. Gusto kong pag-usapan namin ng personal para makita ko kung gaano siya kaseryoso sa mga sasabihin ko.
"Pwede ba tayong magkita?"
May narinig akong ingay sa kabilang linya. Hinihintay ko ang magiging sagot.
"Shit!"
"What's that noise?"
"Sorry. I just bumped my head."
"Papayag ka bang makipagkita sakin?"
"Oo."
Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi naman siya mahirap kausap.
"Sasabihin ko ang place at time-"
"Wait! Pwedeng ako na lang ang mag-organize ng place at time, Cassandra?"
Bakit niya gagawin yon? Ako ang gustong makipagkita sa kanya. Ako dapat ang magdedesisyon.
"Why?"
"I just want to organize a proper place for you and I also want to see your children if it is not too much to ask?"
Iyon lang pala ang gusto niya. Makita ang mga bata, akala ko may iba pa siyang dahilan at hahayaan ko na lang siya para makita siya ni Clydia. Binigay ko ang address namin para makapunta siya dito. Bukas ang napagdesisyunan namin na makikipagkita.
Lumabas ako ng kwarto ko at bumaba. Kakatapos lang nilang magbreakfast.
"Bakit ngayon ka lang bumaba, sweety? Kakatapos lang namin."
"Tito, may kinausap muna siyang mas importante pa sa breakfast kaya natagalan siyang bumaba."
Tiningnan ko ng masama si Callen. Advice niyang kausapin ko si Clyde pero ipapahamak naman niya ako kay daddy. Dapat lagi siyang nilalasing para seryoso siya at hindi puro kalokohan ang naiisip.