Chapter 23

51.7K 2.1K 293
                                    

Belated Happy Valentines Day. Marami lang po akong ginagawa kaya walang time magsulat. Sana suportahan niyo ang ibang stories ko at salamat sa inyong bumati sa akin kahapon.

My So Strict Boss - Book 1
My Snobbish Heart - Teen Fiction
The Black Archer - Fantasy
CURSED - Romance posted in inkitt

~○~

Masakit sa isang ama na marinig na ayaw ka ng sariling mong anak. Hindi ko akalain na ganito ang nararamdaman ng anak ko dahil hindi nila ako nakasama ng maraming taon kaya hindi nila ako gustong makita o makasama man lang sa buhay nila.

Kung sa mga anak ko pa lang, hindi na nila ako gustong makasama imposible ko na makumpleto ang pamilyang pinapangarap ko kasama ang mahal ko. Patago kong pinunasan ang mata ko bago pa makita ng dalawa ang luhang hindi ko maiwasan dahil sa mga sinabi ni Zander.

"Mister..."

"Y-Yes?"

"Are you okay?"

"I-I'm okay."

Pauwi na ako pero ayokong bumalik sa Villacorte, hindi ko gustong mapag-isa. Dumeretso ako sa bahay ng magulang ko para makausap si mommy. Siya lang ang makakatulong sa bigat ng nararamdaman ko. Kapag kasama ko siya, hindi ko kailangang magtago ng emosyon ko na kanina ko pa pinipigilan para hindi makita ng mga anak ko.

Nang makarating ako, naabutan ko siyang pababa ng hagdan, "Anak!"

Sinalubong niya ako at pinaupo,"Kamusta na ang mga apo ko? Pwede ko na ba silang makita?"

Ngumiti ako at hindi makasagot sa tanong niya. Sumandal ako sa sofa at tinakpan ang mga mata ko. Hindi lang ako ang sabik sa mga bata pero bakit ganon ang nangyari sa buhay ko, nahihirapan akong mapalapit sa sarili kong anak.

"Clyde, may problema ba?"

"M-Mommy...Ayaw sa akin ng mga anak ko..."

"Ano bang nangyari?"

Sinabi ko ang mga nangyari kanina. Nakikinig siya na kailangan na kailangan ko ng taong makakausap ko para mailabas ko ang sama ng loob ko. Hindi ko sinisisi si Cassandra sa nangyari dahil lahat ng ito ay kasalanan ko. Ako ang nagpaalis at hindi ko alam hanggang kailan ko dapat patunayan ang sarili ko na pinagsisisihan ko ang mga desisyon ko noon.

Ang mga taong gusto kong makabawi sa pagkakamali ko, ang mga nagawa ko noon ang naalala kapag nakikita ako. Hindi ba nila naisip na hindi lang sila ang nasaktan at ginawa ko naman ang lahat para mahanap sila pero walang halaga sa kanila ang paghihirap ko.

Bakit ang hirap ibalik sa dati ang lahat? Ano pa ba ang dapat kong gawin para matanggap nila ako? I felt so down and the only person I want right now is my mother. She gives me strength and she knows everything about me and Cassandra.

"Clyde, alam kong nasasaktan ka sa sinabi nila pero huwag kang panghinaan ng loob. Gawin mong inspirasyon ang nalaman mo para gumawa ng paraan na mapalapit sa kanila. Binigyan ka ng pagkakataon ni Cassandra dahil alam niyang kailangan ka ng mga bata. Hindi siya magdedesisyon na payagan ka kung hindi mismo sinabi o tinatanong siya ng mga anak niyo."

"Hindi po ako susuko sa pamilya ko pero ang sakit lang na marinig ang sinabi ni Zander. Bata pa lang siya pero ganoon na ang opinyon niya sa  daddy nila kahit hindi pa nila ako nakikita."

"Hindi mo sila masisisi na ganoon ang nararamdaman nila, anak. Ilang taon kang hindi nila nakita at ang taong kasama nila ang mommy lang nila. Mabait si Cassandra na kahit hindi maganda ang paghihiwalay ninyo, hindi ka niya sinira sa paningin ng mga bata at hindi sinabi ang nagawa mo. Patunayan mo sa mga anak mo na hindi ka na aalis sa tabi nila at mas importante sila sayo."

You're Still The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon