Chapter 36

27.1K 895 67
                                        

Enjoy this chapter.

~○~

Napagdesisyunan kong huwag sabihin kay Clyde. Hindi ko kayang dagdagan ang problema niya dahil lang sa pagkukulang ko na protektahan ang mga bata. Nadamay na sila sa problema ko kaya kailangan ko ng gumawa ng paraan para masolusyunan ito.

Kailangan ko ng tulong ng dalawa. Gumising ako ng maaga para kausapin sila. Alam kong natutulog pa sila pero alam ko naman na tutulungan nila ako. Una kong ginising si Cellon.

"Cellon..."

Hindi ito agad nagising,"Cellon, gumising ka na. May sasabihin ako sa inyo."

"T-Tatayo na ako."

Tinigilan ko na ang panggigising sa  kanya dahil totoo ang sinasabi niya kaya pumunta na ako sa kabilang kwarto. Ang taong mahirap gisingin.

"Callen..."

Hindi ito gumalaw kaya lalo ko pa siyang pinalo sa braso niya para magising.

"A-Ano ba? Gusto ko pang matulog!"

"May sasabihin ako. Tumayo ka na dyan."

"Ang aga pa, Cassandra. Itulog mo na lang yan. Mamaya na tayo mag-usap pagkatapos kong magising ng kusa at hindi itong istorbo ka."

"Importante ang sasabihin ko! Pwede ka naman matulog mamaya. Hindi na nga kayo pumupunta sa office niyo at tambay kayo dito. Tumayo ka na, please..."

"Work from home kami kaya matutulog pa ako."

Ang hirap naman niyang kausapin. Bumukas ang pinto at nakita ko si Cellon.

"Ayaw niyang gumising."

Pumunta siya ng CR. May hawak na siyang isang basong tubig kaya tumabi ako. Binuhos siya sa mukha ng kapatid kaya napabalikwas ito ng tayo.

"What the hell! Ano ba!"

"Ayaw mo ng maayos na gisingan kaya huwag kang magalit sa ginawa ko."

Napahilamos ito ng mukha na alam kong nainis din sa ginawa ni Cellon. Mawawala din iyon kapag nahimasmasan na siya.

"Ano ba kasing sasabihin mo, Cassandra? Siguraduhin mo lang na importante dahil malapit ko ng lunurin ang kapatid ko ngayon."

"Tungkol ito sa problema ko. Matutulungan niyo ba akong makahanap ng taong pwede kunin natin na mag-imbestiga."

"May kinuha na si tito. Hintayin na lang natin ang resulta ng paghahanap nila."

"Hindi ako mapalagay. Natatakot ako na alam na nilang nandito ako at madamay na kayo."

"Kung gusto mo talagang tulungan ka namin sa gusto mo, kailangan mo rin matutong makinig sa amin."

Nakikinig naman ako sa kanila. Ano pa ba ang gusto nilang gawin ko?

"Ano ba ang gusto niyong ipagawa?"

Huwag lang na tungkol kay Clyde na naman ito. Nagkakasundo sila kapag ganitong laban sa ayaw nila. Depende pa rin kung ano ito.

"Huwag mo munang sabihin kay Clyde na may ganito kang problema. Kaya natin solusyunan ito. Huwag na siyang makialam dahil wala naman siyang alam at ayokong makigulo pa siya."

Pareho kami ng iniisip,"Huwag kang mag-alala. Wala akong balak sabihin sa kanya."

"Mabuti naman."

"Natawagan niyo na ba si daddy?"

"Bakit kailangan namin tumawag? May problema ba?"

"Hindi sila macontact ng secretary ko. Isa yon sa dahilan kung bakit gusto ko rin gawin ito."

You're Still The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon