Chapter 26

59K 1.7K 367
                                    

Pasensya na sa hindi ko pag-update. Marami lang akong ginagawa. Salamat sa mga naghihintay pa rin dito kahit alam kong naiinis na rin ang iba sa akin. Pipilitin kong magsulat pa rin.

My So Strict Boss - Book 1
My Snobbish Heart - Teen Fiction
The Black Archer - Fantasy
CURSED - Romance posted in Inkitt.

~○~

Sa mga problemang sunod-sunod na dumarating sa buhay ko. Gusto kong makalimutan muna kahit sandali para makapag-isip ako. Bakit hindi pa mahuli ang taong nagbabanta sa akin para mabalik na sa dati ang buhay ko.  Naguguluhan na ako sa tinatakbo ng sitwasyon ko at nadagdagan pa ng bumalik siya sa buhay ko.

Ginugulo niya ang tahimik kong buhay. Hinayaan ko siyang makapasok sa buhay ng tatlo at hindi siya nag-aksaya ng panahon na patuloy na humingi ng second chance sa akin.

"Ang lalim ng iniisip mo, Cassandra. Hindi mo napansin na dumating kami."

"Marami lang akong problema ngayon, Cellon."

"Sinabi sa amin ni tito ang nangyari sa pagbabalik niya sa America kaya madalas na kaming nandito para mabantayan kayo habang hindi pa sila bumabalik."

"Hindi niyo naman kailangang gawin yon. May mga trabaho kayo at marami namang bodyguards dito para bantayan kami."

Nadadamay na rin ang mga pinsan ko sa problema ko. Ayokong makaabala sa kanila kaya kung maaaring hindi sila maistorbo sa mga ginagawa nila, gagawin ko. Bakit hindi pa sila lumantad para malaman ko na kung bakit sila galit sakin. Alam ko sa sarili ko na wala akong ginagawang masama pero bakit sa akin nangyayari ang ganitong bagay na hindi ko naisip na aabot sa sitwasyong gusto akong saktan.

"Mas mapapanatag kami na nadadalaw kayo dito."

"Nasaan na ba si Callen? Hindi mo ba siya kasama?"

"Dumeretso siya sa room ng mga bata. Sigurado akong nakikipaglaro na siya sa tatlo kaya puntahan na natin at baka ano na ang tinuturo niya sa mga anak mo."

Pinuntahan namin sila at nakita kong nakikipaglaro ng habulan ang mga anak ko sa tito nila. Malaki naman ang room nila kaya nagagawa nila ang nilalaro nila.

"Mommy, help me! Tito evil is coming. Can you please hide me from him?"

"Sure, baby."

Nagtago ang baby girl ko sa likod ko. Tumakbo papalapit sila Zander sa tito Cellon nila. Hindi magawang lumapit ni Callen dahil ang samang makatingin sa kanya ng kapatid.

"Cellon, nakikipaglaro ako sa mga bata kaya walang samaan ng tingin."

"Alam kong nakikipaglaro ka kaya huwag kang lalapit sa amin dahil ayaw nilang hulihin mo sila."

"Sino ang huhulihin ko? Sarili ko? Ang ganda ng sinabi mo, naghabulan pa kami kung wala akong hahabulin. Naranasan naman natin maglaro ng ganito, bro! Ikaw lagi ang taya dahil hindi mo ako mahuli."

"Paano kita mahuhuli kung saan-saan ka nagtatago na hindi maiisip ng normal na tao! Sino ang makakaisip na magtago sa taas ng puno, nakaakyat ka nga pero hindi naman marunong bumaba?"

"Hindi ako nakababa dahil kinuha yung hagdan na ginamit ko! Nagtagal ako sa puno dahil sayo! Hindi mo na ako hinanap!"

"Kung ayaw mong magpakita, hindi ko na papagurin ang sarili kong hanapin ka. Hindi ka rin naman makakatiis na hindi lumabas sa pinagtataguan mo. Sinabi ko na lang kay mommy para kusa kang lumabas."

"Kaya pala lagi akong napapagalitan dahil sayo!"

Natawa ako sa kanilang dalawa. Minsan kapag kasama ko sila napapatawa nila ako sa mga palitan lang nila ng salita. Iniwan naming nanonood ang tatlo at bumaba kami. Binigyan kami ng meryenda ni yaya.

You're Still The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon