Chapter 47

15.8K 493 86
                                    

Naramdaman ko ang paghawak sa kamay ko ni mommy. Nakatingin ang parents ko sa kanila. Hindi ako sigurado kung bakit nila tinititigan ang parents ni Clyde.

"Bakit niyo gustong makausap ang anak ko?"

"Mrs. Garfin, may gusto lang akong sabihin kay Cassandra."

"Saan niyo balak gustong mag-usap?"

"Dito na lang sana."

Kinuha ni daddy ang cellphone niya at may tinawagan,"Callen, pumunta ka dito at bantayan mo muna ang mga pamangkin mo. May pag-uusapan lang kami na hindi pwedeng marinig ng mga bata."

"Hindi kami papayag na kausapin niyo ang anak namin na mag-isa. Nandito na rin kami bakit hindi niyo rin sabihin sa harap namin."sabi ni daddy.

Dumating ang pinsan ko at isinama palabas ng kwarto ang mga bata. Hindi rin ito nagtanong dahil alam na rin niya ang mangyayari.

"Ngayong wala na ang mga apo ko, anong gusto niyong sabihin sa anak ko?"

"Daddy, let them talk..."

Hindi na muling nagsalita at hinihintay namin kung anuman ang gustong sabihin nila.

"Gusto lang naming magsorry sa mga sinabi namin kanina. Hindi dapat kami makialam sa mga desisyon niyo dahil kayo ang magulang. Kung anuman ang napagkasunduan niyo, sinuportahan sana namin."

Nakahinga ako ng maluwag na naintindihan na nila ang desisyon namin. Sasabihin na rin namin sa kanila kapag nadischarge na si Clyde.

"Cassandra,what are they talking about?"

"Daddy, we just talked about things related to my children."

"Anong sinabi niyo sa anak ko?"

Hinawakan ko ang braso ni daddy para makuha ang atensyon niya. Ayoko ng malaman pa niya ang mga sinabi nila. Sigurado akong magagalit ito.

"Daddy, huwag na po nating pag-usapan. Tapos na din naman po yon."

"Bakit ayaw mong malaman ko, anak? Kung tapos na, pwede ko naman malaman kahit humingi na sila ng apology. I'm just curious why his parents would do this as if they said something about you."

Tumingin ako kay mommy para humingi ng tulong. Ayokong malaman pa nila.

"Hon, please stop asking this matter. They already settled it so as her parents, we need to respect her decision."

Hindi nagpumilit si daddy. Nakahinga na ako ng maayos dahil kung malalaman pa nila. Magkakagulo lang at hindi rin maganda ang kahihinatnan.

"Magtatagal ba kayo dito, Mr. Garfin?"

"Hindi. Gusto makita ng mga apo ko ang anak niyo kaya ngayon na nagawa ko ng pagbigyan ang gusto nila. Aalis na din kami."

"Pero hindi pa kayo nagtatagal at kararating niyo lang." sabi ng mommy ni Clyde.

Sang-ayon ako sa sinabi nito. Ilang minuto pa lang na nasa hospital sila at uuwi agad sila? Hindi pa nakakasama ni Clyde ng matagal ang tatlo dahil pinalabas muna namin.

"Daddy, can we stay here a little longer? Your grandchildren want to spend time with their father. Please let them..."

"We talked about this, Cassandra. I will not let him see them. This is just an exemption because they were worried. Now they know he is fine, we can go back and let him recover."

"But daddy..."

"Bakit hindi pwedeng makita ng anak namin ang mga anak niya?"

"Tinatanong pa ba yon, Mrs. Villacorte? Sa tingin niyo, papayagan namin makasama niya ang mga apo namin na parang walang ginawa ang anak niyo."sabi ni daddy. Napahawak ako sa kamay ni mommy dahil kinakabahan ako sa papatunguhan ng usapang ito.

You're Still The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon