Chapter 7

114K 3.5K 1.3K
                                    

Salamat sa mga nagreply sa post ko. Hindi ko alam kung kung palagi na akong mag-update. Malapit ng magstart ang review ko. Wala munang gadget para sa sarili ko. Hindi ko na double check to. :)

My So Strict Boss - Book 1
My Snobbish Heart - Teen Fiction
The Black Archer - Fantasy

~¤¤~

Hindi ko na napansin na tapos na ang pinapanood ko. Ilang beses na itong nangyayari magmula ng makausap ko ang mga pinsan ko. Hindi maalis sa isip ko ang sinabi nila.

Hindi ko naisip na pwedeng magtanong ang mga bata sa ama nila. Nasanay akong kaming apat lang ang magkakasama pati sila mommy. Masaya naman kami kahit alam kong may part sa pagkatao nila ang nawawala sa buhay nila.

Gusto kong ako lang kailanganin nila. Masama ba kung isipin kong mas makakabuting hindi na nila makilala ang ama nila na hindi sila tinanggap.

Nagkulong ako sa condo. Nawalan ako ng ganang umalis. Gusto kong pag-isipan kung ano ang gagawin ko kung mangyari ang sinabi ni Callen.

Bumukas ang pinto na pabagsak na sinarado. Ano na naman ang trip ni Callen ngayon? Gusto ba niyang sirain ang pinto ng kwarto ko.

"Bakit ka nandito?"

"Ang pagkakaalam ko sa amin ang condo na to."

"Inaangkin ko ba?"

"Hanggang ngayon ba meron ka pa rin? Ilang araw na yan, Cassandra. Baka maubusan ka na  ng dugo."

Kinuha ko ang unan sa tabi ko at binato sa kanya. Nailagan niya at binato pabalik sakin. Nainis ako sa ginawa niya kaya tumayo ako at pinagpapalo siya.

"Kainis ka, Callen!"

"Bakit ka maiinis? Binalik ko lang ang unan sayo. Tama na, Cassandra. Hindi ako lalaban baka magkapasa ka sumbong mo pa ako kay tito."

"Pumasok ka lang ba sa kwarto ko para inisin ako? Lumayas ka nga dito."

Kinuha niya ang kamay ko at pinapasok sa banyo. Sinara ang pinto at hindi ko mabuksan.

"Callen! Buksan mo nga ang pinto!"

"Isasama kita sa office kaya bilisan mo dyan. Hintayin kita sa labas."

Naligo ako at lumabas. Wala na siya. Kumuha ako ng dress na hanggang tuhod para hindi ako mahirapan sa pag-upo.

Pinatuyo ang buhok ko at itinali. Nag-apply ng simple make-up at kinuha ko ang salamin ko. Tumingin ako sa salamin. Simple lang ang ayos ko ngayon dahil tinatamad akong mag-ayos na lagi kong ginagawa bago umalis.

Tumayo si Callen ng makita ako. Ngumiti ito kaya nawala na ang inis ko sa kanya.

"Namiss ko ang ganyang ayos mo. Simple pero maganda. Magpinsan talaga tayo. Maganda ka pero mas lalo kang gaganda kapag kasama mo ang pinakagwapong nasa harap mo."

Nagpose pa siya na parang model sa harap ko. Hindi ko mapigilang matawa sa sinabi niya. Hindi pa rin siya tumigil. Kinuha ko ang cellphone ko at kinuhanan siya ng picture.

"Magkano ko kaya ibebenta ang picture mo?"

Naalala ko ang babaeng nakita ko noon na sumusunod sa kanya. Hindi ko natanong kay Cellon ang tungkol sa kanya. Kung sumusunod pa rin ba ito o tumigil na.

"Kahit sino bibilhin yan, hindi nila mapapalagpas ang mukhang to."

"May naiisip na akong pagbebentahan."

"Sino?"

"Yung babaeng stalker mo. Hindi nga niya mapapalagpas ang picture mo na sobrang gwapong gwapo sa sarili. Ano ba ang name niya? Ipapahanap ko."

You're Still The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon