Chapter 35

28.2K 834 56
                                    

Enjoy this chapter.

~○~

Nakaupo ako sa kama ni Clydia habang nakahiga na sila para matulog. Binabasa ko ang napili nilang story.

"Mommy, why did the old lady wanted to eat them? Is she hungry? We can share our food so she can eat properly."

"Baby, she is bad. She is a bad witch and doing bad things is what she always do."

"Is there good witch too?"

"Yes, baby. We will find another story that good witches do exist."

"Thank you, mommy."

"Mommy..."

"Yes, Xander?"

Pumunta ako sa kama nito at umupo sa tabi niya.

"Is there a time that we will be on our own without you on our side? Do we meet like her or anyone that will harm us?"

"Listen, children. I'll protect and take care all of you always. Believe in mommy, okay. I will always be here because I love you all."

Nagtagal pa ako para siguraduhin na nakatulog na sila. Tinignan ko kung nakasarado ang bintana ng kwarto nila at lumabas.

"Nakatulog na sila?"

Nagulat ako ng makita ko si Clyde sa likod ko. Bakit ba siya nandito? Akala ko kung sino ang nakapasok sa mansion.

"Anong ginagawa ko dyan?"

"Hinihintay ka. Ang tagal mo sa loob kaya dito na ako naghintay."

"Nagtagal pa bago nakatulog ang tatlo. Bakit hindi ka natutulog?"

"Hinihintay nga kita."

Tinaasan ko siya ng kilay dahil anong kinalaman ko sa pagtulog niya. Makakatulog naman siya kahit wala ako.

"Matulog ka na at pupunta na ako sa kwarto ko."

Umalis na ako para makapagpahinga na din. Iaantok na ako pero inuna ko muna ang mga bata para alam kong nakapagpahinga na sila.

Bubuksan ko na ang pinto ng may naunang gumawa nito at pumasok. Nakabukas lang ito pero hindi ako pumasok.

"Come in, Sandra."

"Clyde, what's the meaning of this? Go out of my room."

"You just have to come in and we will rest now."

Hinatak niya ako papasok at sinarado ang pinto. Kahit pagod na ako ay hindi ko pa rin siya tinigilan sa kakatanong.

"Bakit ka ba nandito? Lumabas ka na."

"Gusto kong dito matulog."

"Are you crazy? If my cousins see you here, what do you think they will do to you? Please just go..."

"Sandra, matutulog lang tayo. Wala naman akong gagawin at gusto kong katabi kita sa pagtulog. Please, baby..."

Nakakainis naman. Pinapaiwas ko na siya sa gulo pero gumagawa pa rin siya ng paraan para may dahilan ang dalawa na gawin ang gusto nila sa kanya.

Hindi ko na ipinagpilitan dahil hindi naman siya susunod. Matigas din ang ulo niya kapag gusto niya, gagawin niya.

Kumuha ako ng pampalit at nagbihis. Matutulog lang naman kami pero wala akong damit na pampalit niya. Lumabas na ako ng banyo at nakaupo naman siya sa gilid ng kama ko.

"Wala akong shirt na pampalit mo. Kumuha ka muna sa kwarto mo."

"Ayoko nga. Baka kapag ginawa ko yon, sarado na ang kwarto mo."

You're Still The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon