Chapter 41

28K 576 177
                                    

Natigilan ako ng makita ko si daddy. Bakit nandito siya?

"K-Kaibigan ko lang po."

"Sino?"

"Bakit niyo po tinatanong, daddy?"

Lumapit ito at kinuha ang cellphone ko. Tinignan niya kung sino ang tinatawagan ko. Nakita kong sinagot na ni Clyde ang tawag ko pero si daddy ang nakinig kung anuman ang sinasabi nito.

"Daddy, yung cellphone ko po..."

Hindi niya binalik sakin at ibinulsa  ito,"Mula ngayon, huwag mo ng tatawagan ang taong ito. Putulin mo na kung anuman ang koneksyon meron kayo, Cassandra."

"Bakit po ba kayo galit sa kaniya?"

"Ikaw dapat ang nakakaalam ng sagot sa tanong mo anak. Ginagawa ko ito para sayo. Para sa mga apo ko. Ayokong madamay sila."

"Alam niyo na po ba kung sino si Clyde sa buhay ng mga bata?"

Sana magsabi si daddy ng totoo. Gusto kong malaman kung matagal na ba niya alam at tinago lang niya para hindi ako masaktan.

"Dapat ko lang alamin kung sino ang tumalikod sa responsibidad sa anak ko, Cassandra. Hindi ko hahayaan na wala man lang akong gawin sa paghihirap mo nung iniwan ka ng lalaking iyon. Hindi ako papayag sa ginawa niya sa nag-iisa kong anak. Kung nanahimik ako ng matagal pero ngayon sisimulan ko na ang plano ko sa lalaking iyon."

"D-Daddy, bakit hindi niyo po sinabi sa akin na matagal niyo ng alam? Bakit kailangan niyo pa pong itago sa  akin?."

Hinawakan niya ang pisngi ko, "Sa kalagayan mo noon, kahit sinaktan ka ng lalaking iyon ay hindi mo sasabihin sa amin ang gusto namin malaman, anak. Kilala kita. Mas gugustuhin mong sarilihin ang problema mo dahil ayaw mong masaktan o madamay ang ibang tao. Ginawa ko ito para sayo. Ayokong ikaw lang ang nasaktan, ikaw lang ang nawalan. Hindi ko gugustuhin na ang anak kong iningatan ay iniwan lang ng isang lalaki at tinakasan ang responsibilidad sa mga apo ko."

Paano ko sasabihing na okay na kami kung ganito ang gustong gawin ni daddy? Gumanti sa pamilya ng ama ng mga anak ko. Hindi ba pwedeng kalimutan na lang. Pareho naman kaming nahirapan. Nasaktan ako sa ginawa ni Clyde pero nahirapan din siyang hanapin ako at nasaktan din na hindi siya naging parte ng buhay ng tatlo.

"Huwag ka ng makipag-usap sa kanya, Cassandra."

Umalis siya na hindi binigay ang cellphone ko. Napaupo ako sa sofa at napabunting hininga. Nadagdagan pa ang problema ko. Hindi makikinig si daddy sa akin kapag kinausap ko tungkol sa plano niya. Desidido itong ituloy.

Wala din akong nakuhang impormasyon kaya umakyat ako pra puntahan ang mga kaibigan ko.

"Cassandra!"

Nakita ko silang inaayos na ang kama na tutulugan nila. Napansin ko na hindi sila nagpalit ng damit. Hindi magiging kumportable ang tulog nila kung nakajeans sila.

"Pwede bang manghiram ng damit sayo? Hindi ako makakatulog sa suot ko." sabi ni Laurel.

"Pagtiisan mo muna! Nag-overnight na nga tayo dito, magdedemand ka pa dyan." Binato ng unan ni Kim si Laurel.

"Huwag na kayong mag-away. Kukuha lang ako ng damit."

Lumabas ako para kumuha ng damit sa kwarto ko. Nang makakuha na ako ay pumunta ako sa kwarto ni Callen.

"Callen, pwede bang manghiram ng t-shirts at shorts? Ipapagamit ko lang sa mga kaibigan ko."

Nakaupo ito sa kama habang may ginagawa sa laptop. Napakaseryoso niya kaya hindi man lang lumingon ng pumasok ako.

You're Still The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon