Chapter 48

19.5K 549 186
                                    

Sumunod kami sa pinsan ko hanggang sa makarating kami sa pupuntahan namin. May mga tao din kaming nakakasalubong habang papalapit kami sa isang pinto.

"Hindi po pwedeng maraming tao ang pumasok dito. Restricted area na po ito."

"Baka naman pwede niyo kaming pagbigyan. Kami ang kamag-anak ng nawawalang bata. Concern kami kung nasaan na ang pamangkin ko. Kailangan naming makita kung ano ang record niyo kung saan huling kong iniwan ang bata."

Walang nagawa ito at pinapasok kami. Sinabi ng pinsan ko kung saan nila huling nakita si Clydia. Binalikan ng operator ang footage ng isang survellance camera nila.

Makikita na magkakasama sila Callen sa video. Umalis ang pinsan ko at naiwan ang tatlo. Hindi nagtagal ay sumunod ang dalawa sa tito nila at naiwang mag-isa si Clydia. Nakita namin na biglang napatayo ito sa kinauupuan at pinagpag ang skirt nito na marahil ay nabasa sa hawak nitong inumin.

Hindi nagtagal ay may lumapit sa anak kong nurse. Kinuha nito ang inumin ni Clydia at ipinatong sa isa sa mga upuan. Naglabas ito ng panyo at pinupunasan ang skirt ng anak ko.

"Kilala niyo ba kung sino ang nurse na yan?"

"Inaalam pa, Cassandra."

Hindi nagtagal ay hinawakan ng nurse ang kamay ng anak ko at sabay na umalis. Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating si Callen kasama sila Zander at Xavier. Mabilis lumapit ang pinsan ko sa dumaang nurse na papalapit.

"Natanungan ko ang nurse na dumaan pero wala siyang nakitang bata sa pinag-iwanan ko. Kaya nagsimula na akong hanapin sa buong floor at lumipat na rin ng ibang palapag para maghanap."

"Pwede niyo bang hanapin ang nurse na kasama ng anak ko. Kung isa sa mga empleyado ng ospital na ito ang kasama ng anak ko, dapat ay nareport na agad na may nawawalang bata."

"Ma'am, inaalam na namin kung sino ang mga nurse na nakaassigned sa floor kung saan huling nakita ang anak niyo. Ginagawa na po namin ang trabaho namin para matulungan namin kayo."

"Ilang oras kami maghihintay? Hindi namin alam kung sa mga oras na ito ay nandito pa ang anak ko kung wala kayong magandang sasabihin sa amin. A child is missing and you just want us to wait here while doing nothing?"hindi ko mapigilang ang sarili ko na mapagsalitaan sila. Natatakot na ako para sa anak ko.

"Ang mabuti po ay maghintay pa muna kayo sa lobby. Sasabihan agad namin kayo kapag alam na namin kung sino ang huling nakasama ng anak niyo."

Wala kaming nagawa kaya lumabas na kami. Alam kong mali ang naging asal ko sa harap nila pero masisisi ba nila ako kung ganito ako. Anak ko ang nawawala.

"Mahahanap din natin si Clydia."

"Habang tumatagal na wala tayong balita sa anak natin, mas lalo akong kinakabahan,Clyde."

"Kahit ako ay nag-aalala sa kanya. Hindi natin pwedeng ipilit na magbigay agad sila ng update kung hindi pa sila tapos na alamin ang mga nurse na nandito."

Nasaan na ba ang anak ko? Nasaan ka na, Clydia? Kung sinuman ang kasama ng anak sana ay nandito lang siya. Umalis ang parents namin at ang pinsan ko para magpatuloy sa paghahanap. Kami lang ni Clyde at ang mga bata ang naghihintay para maghintay ng balita.

Tumitingin din ako sa mga taong napapadaan malapit sa kinauupuan namin. Nagbabakasakaling ang mga batang nakikita ko ay ang anak ko. Nakilala ko ang isang taong naglalakad papalapit sa amin. Tumayo ako at hinablot ang braso niya.

"What's your problem?"sabi nito.

"Why are you still here!"

"Ano bang pakialam mo kung nandito pa ako? It's none of your business. Let go of me!"

You're Still The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon