My So Strict Boss - Book 1
My Snobbish Heart - Teen Fiction
The Black Archer - Fantasy
~¤💞¤~
Hindi na ako nakatanggap ng mga death threats pero hindi ko naman nalaman kung sino ang nagpapadala. Ilang linggo na ang lumipas pero wala pa ring resulta.
Tinawag ko ang secretary ko. Hindi ako mapalagay hangga't wala pang balita sa pinapahanap ko.
"Selene, wala pa rin bang resulta sa inutos ko?"
"W-Wala pa po, Miss."
"Lumabas ka na."
Napansin kong hindi ito makatingin sa akin. Baka hindi pa rin niya makalimutan ang pagsigaw ko sa kanya noon. Matagal na siyang nagtatrabaho sa akin. Anak ito ng dating secretary ni daddy at filipino rin ito. Nakapag-adjust ako noon dahil na rin sa kanya. Naging komportable akong magtrabaho dahil hindi siya mahirap pakisamahan at tinulungan niya ako.
Kakausapin ko na lang siya para walang ilangan kapag nakikipag-usap siya sa akin. Naisip ko ang huling pinadala nila. Marami na akong nakalaban kaya hindi ko alam kung sino sa kanila ang nagkalakas ng loob na takutin ako.
Hindi ako natatakot para sa sarili ko. Normal lang ang ganito sa mundong ginagalawan ko. Kung magpapadala ka sa takot, pababagsakin ka nila at tatapakan dahil madali kang tumiklop sa pananakot.
Narinig kong tumunog ang cellphone ko.
"Hello, baby."
"Hi! Mommy! Are you still in your office?"
"Yes, baby."
"Mommy, can you buy us a cake?"
"Okay, I love you."
"I love you too."
Para saan kaya ang cake? Pumasok si Selene na may hawak na folders.
"Ms. Garfin, ito na po yung final revision sa project."
"May appointment ba ako ngayon?"
"May meeting po kayo ng 10 am at 3pm."
"Cancel the afternoon meeting and reschedule it tomorrow."
"Okay, Miss. Aalis na po ako."
"Wait,Selene!"
"May kailangan pa po ba kayo?"
"I'm sorry for shouting at you."
"Okay lang po. Alam ko naman pong hindi niyo sinasadya."
Umalis ito at tiningnan ko ang binigay niya. Nagawa nila ang gusto ko.
Natapos ko na ang kalahati ng trabaho ko at kinuha ko na ang bag ko para puntahan ang una kong meeting. Nakarating agad ako sa meeting place. Maaga ako pero sana huwag mahuhuli ang makakausap ko kung hindi aalis ako at wala na akong pakiaalam sa meeting na to.
Minomonitor ko ang oras at dalawang minuto na lang. Naubos ko na ang juice ko. 10 am na sa relo ko pero wala pa rin. Naghintay pa ko ng limang minuto na bihira kong gawin. Nag-iwan ako ng bill at umalis. Ipapaban ko ito sa appointments ko.
I saw a bake shop. I remembered my babies wanted a cake. They want the same flavor of cake, black forest. Nag-order ako at binayaran.
Nakauwi ako at naghihintay sila sa may pinto. Nasaan na ang ang mga nagbabantay sa kanila? Kinabahan ako. Paano kung hindi ako nakauwi agad?
"Mommy!"
Pagkababa ko sa kotse ay tumakbo sila papalapit sa akin. Pinapasok ko sila at hinanap ang mga yaya nila. Pinapabayaan nila ang mga alaga nila sa labas. Paano kung lumabas sila? Hindi mapapansin ang pagkawala nila. Hindi ko alam ang magagawa ko sa kanila kapag isa sa mga anak ko ang nawala. Napapagsabihan sila pero ayoko pa rin maging kampante sa panahon ngayon. May problema pa ako, huwag naman pati ang anak ko mapabayaan.
