Chapter 44

12.9K 390 28
                                    

Hindi pa rin ako umaalis sa tabi ni Clyde. Kahit magalit si daddy. Siya naman ang may utos nito kaya hangga't hindi pa dumadating ang ambulance, hindi ko siya bibitawan.

"Kahit ano pa ang sabihin mo, Villacorte. Hindi mo mababago ang desisyon ko. Kaya kung ayaw mong mas malala pa ang pagdaanan mo, huwag ka ng pupunta dito. Cassandra, pumasok ka na sa loob!"

"Sorry po, daddy. Dito lang po ako. Kailangan natin siyang tulungan na mapatignan sa doctor."

"Pumasok ka na. Kami na ang bahala dyan."

Lumapit ang isang bodyguard at siya ang umakay kay Clyde pero hindi pa rin ako umalis. Gusto kong masiguradong madadala siya sa hospital.

"Cassandra! Pumasok ka na!"

Hindi ako nakinig at nanatili pa rin nakatingin kay Clyde. Hindi naman sa nag-iisip ng masama pero baka hindi nila gawin ang sinabi ko at hayaan lang itong mag-isang umalis.

"Anong nangyayari dito?"

Dumating si mommy na nagtataka sa nangyayari sa amin. Nakatingin ito kay daddy at lumapit.

"Bakit ka sumisigaw para papasukin si Cassandra sa loob, Wilson?"

"Hon, may konting problema lang dito. Papasukin mo na ang anak natin sa loob."

"Anong problema ang sinasabi mo?"

Ngayon lang niya napansin si Clyde dahil natatakpan ito ng umaakay sa kaniyang bodyguard.

"Anong nangyari sa kanya!"

Mabilis itong lumapit at tinignan si Clyde. Katulad ko ay nag-aalala din ito sa sitwasyon nito.

"Anong nangyari sa bata, Wilson! Bakit duguan siya!"

"Hon, pumasok na kayong dalawa. Kami na ang bahala sa kanya."

"Bakit hindi mo ako sagutin? May kinalaman ka ba dito? Cassandra, anong nangyari sa kaniya?"

Napatingin ako kay daddy. Hindi rin ito makasagot sa tanong ni mommy. Parang ayaw malaman na siya ang nagpautos nito.

"Hon, nagpumilit siyang pumasok kaya ginawa lang ng mga bodyguards ang dapat gawin sa kanya."

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Kilala mo siya pero kung tratuhin mo parang hindi mo alam kung ano ang karapatan niya. Alam kong galit ka, Wilson. Huwag naman humantong sa ganito na kailangang pagbayaran ng bata ng malaki ang pagkakamali niya!"

Natahimik ito. Hindi na niya pinigilan si mommy sa gusto nitong gawin.

"Ano pa ang ginagawa niyo dyan? Ipasok niyo siya sa loob! Cassandra, tulungan mo ako. Linisin muna natin ang sugat niya at dalhin sa ospital."

"Hon..."

"You can't stop me, Wilson."

Pagkapasok sa loob ay inabot agad samin ni yaya ang first aid kit. Kami na ang nag-asikaso kay Clyde. Sa paglilinis palang ng mga sugat niya ay nasasaktan na ito pero hindi siya nagrereklamo.

"S-sorry po kung nakagulo ako sa bahay niyo."

"Huwag ka ng magsalita. Sa uulitin huwag ka ng magpumilit na pumasok kung ayaw ng asawa ko. Hindi ko kukunsintihin ang ginawa niya ngayon dahil alam kong may galit siya sayo kaya niya ginawa ito."

"G-Gusto ko lang pong makita ang mga bata at ang anak niyo."

"Kahit tinulungan kita, hindi ibig sabihin nito ay okay lang sakin ang ginawa mo kay Cassandra. Alam mo na ngayong sobrang protective namin sa anak namin kaya hindi mo kami masisisi kung pinapahirapan ka ng daddy niya."

You're Still The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon