Chapter 42

15.9K 431 54
                                    

Hindi pa rin kami napapatawag. Kinailangan na rin namin mag-usap na tatlo kung ano ang sasabihin namin.

"Maniniwala ba si tito?"

"Hindi ko alam. Sasabihin ko lang naman yung totoo."

"Magsasabi ka ng gusto niyang malaman pero hindi pa rin kami ligtas sa problemang ito!"

Hindi ko naman gustong mapahamak sila kay daddy. Kasalanan ko ngayon kung bakit nahihirapan silang magpaliwanag.

"Kahit anong sabihin mo, Cassandra, magagalit pa rin si tito. Nakuha mong magtago ng ganitong sikreto na alam mong ayaw niya. At ikaw naman, Callen. Huwag ka ng mag-isip ng pampalusot para hindi magalit si tito. Alam natin ang nangyayari dito kaya kasali na tayo sa issue. Ang gawin na lang natin ay ipaliwanag sa kanya."

"Wala na talaga tayong magagawa kundi umamin at harapin kung anuman ang sasabihin ni tito."napabunting-hininga si Callen. Anumang oras ay ipapatawag na kami. Ang nagbabantay sa tatlong anak ko ay ang mga kaibigan ko na nagprisinta para makipaglaro sa kanila.

"Cassandra, pinapatawag ka ng daddy mo? Nakita mo ba ang mga pinsan mo?"

Binuksan ko ang pinto. Nakita rin niya ang mga pinsan ko na nasa loob din ng kwarto ko.

"Sumama na din kayong dalawa sa pinsan niyo. Pinapatawag din kayo."

"Tita, maganda po ba ang mood ni tito ngayon?"

Nagtaka ito sa tanong ni Callen,"Bakit mo tinatanong?"

"W-Wala po."

Umalis na ito kaya tumayo na kami para puntahan si daddy sa study room. Kumatok muna ako at nang marinig kong pinapasok na kami, binuksan ko na ang pinto.

"Maupo kayo. Mahaba-habang pag-uusap ito."

Naupo kaming tatlo sa sofa at hinarap na kami ni daddy pagkatapos niyang ibaba ang librong hawak niya.

"Sino ang gustong magsalita sa inyo?"

Nagkatinginan kami. Hindi namin alam kung saan magsisimula.

"Tito, hindi po namin alam kung ano po ang gusto niyong malaman. Pwede po bang kayo na lang ang magtanong sa amin at sasagutin namin."sabi ni Cellon.

"Kung yan ang gusto niyo, sige sisimulan ko sa inyong dalawa."

"Bakit wala kayong sinabi sakin na may ibang tao ng nakikitira sa pamamahay ko?"

"Daddy..."

"Hindi ikaw ang tinatanong ko, Cassandra."

Tumahimik ako, "Sa hindi namin pagsabi sa inyo, alam po namin mali ang naging desisyon namin. Kayo pa rin ang masusunod."

"Alam niyo naman pala! Bakit hindi niyo sinabi?"

"Ayaw rin po namin maglihim sa inyo pero nakiusap si Cassandra. Huwag sasabihin sa inyo dahil gusto niyang siya mismo ang magpapaalam sa inyo."

Natuon ang atensyon ni daddy sakin," Kailan mo balak sabihin sakin ito, Cassandra?"

"Pagkauwi niyo po dito."

"Sa tingin mo matatanggap ko ang lalaking iyon. Huwag siyang umasa! Mabuti nga na pinaalis ko lang siya at hindi ko pinabugbog sa tauhan natin. Pero sa susunod na makita ko siyang lumapit o pumunta dito, di ko na mapapangako na maayos pa siyang makakaalis sa pamamahay ko."

"Daddy, alam kong malaki ang galit niyo sa kanya pero sana po hayaan niyo siyang mag-explain. Sa una din po, hindi ko siya pinakinggan o kinausap dahil ayoko ng magkaroon pa siya ng pagkakataon na saktan ako. Pero ng makita kong naghirap din siya sa paghahanap sakin. Hindi niya ako gustong talikuran, daddy. Pareho kaming nadala ng emosyon namin. Naging kapalit non ay hindi niya nakasama ang mga bata. Maraming taong hindi siya tumigil na mahanap ako..."

You're Still The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon