Chapter 17

59.9K 2.3K 508
                                    

Ito na po ang kasunod. Salamat sa mga comments niyo. Sa tingin ko ito na muna ang huling update ko. Wala na akong load. Sinulit ko na para hindi niyo sabihing nabitin kayo.

My So Strict Boss - Book 1
My Snobbish Heart - Teen Fiction
The Black Archer - Fantasy

~○~

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Nasa harap ko na siya. Ang anak namin. Gustong gusto kong yakapin siya, halikan at sabihing ako ang ama niya pero wala akong karapatan para gawin iyon sa kanya. Ako ang nagtanggi na anak ko siya at kapag nalaman pa niya ang ginawa ko, hindi ko alam ang gagawin ko.

Galit na sa akin ang mommy niya, huwag naman sanang magalit rin siya sa akin. Hindi ko na alam kung paano ako makakabawi sa kanya. Natahimik kaming lahat habang pinagmamasdan ang batang babaeng masayang nakayakap sa mommy niya.

"Mommy, I've found you."

Kinarga ni Cassandra ang anak namin at hinalikan sa pisngi.

"Yes, you do but why are you here, baby?"

Nakikinig lang ako sa kanilang dalawa. My daughter got her mother's  eyes. She almost looks like little version of Cassandra but she got my lips. I want to kissed her too.

"Mommy, you forgot our special day?"

"Do we have a special day?"

"Yes, we do! Every year we spend our special day to our chosen place to celebrate. Do you not remember it, mommy?"

Hinawakan ng anak namin ang pisngi ng mommy niya. Hinalikan ni Cassandra ang noo nito at yumakap ang bata sa kanya.

"Don't be sad because we can still celebrate it. We are almost done then we can go, baby."

Napatingin ako sa magulang ko. Umiiyak si mommy habang pinagmamasdan niya ang apo niya. Pinapatahan siya ni daddy. Ngayon ko lang din napansin na nakatingin rin siya sa batang karga ni Cassandra.

"Mommy, why are they looking at us?"

Natigilan ako sa sinabi ng anak ko. Napansin niya kami. Tumingin ang mag-ina ko sa amin. Hindi ko kayang tagalan ang tingin ni Cassandra. Seryoso siya at wala na ang ngiti niya. Kasalanan ko kung bakit naging ganito siya. Bakit naging ganito ang buhay ko! Nadisappoint ako ng baguhin niya ang usapan nila.

"Baby, where is your granddad and grandmom?"

"I don't know. I want to find you first before kuya Zander and kuya Xavier so I asked the lady who was with me if she knows where you are."

Narinig ko ang pangalang Zander. Iyon din ang tumawag dati sa kanya at tinawag niyang baby. Kilala rin ng anak ko sino ba siya at sino rin si Xavier? Gusto kong malaman para alam ko kung sino ang pinagselosan ko noong una ko siyang makita.

"You left them? Don't do this again, baby. Sometimes, you'll meet stranger that will not help you or worst get you away from us. Do you want that to happen? Promise me this will be the last time, Clydia..."

Natigilan ako sa sinabi niya. She named our daughter Clydia. It sounds like mine. She hates me but still gave a wonderful name that I'm grateful for.

"Promise..."

"Let's find them."

"Okay, mommy."

Tumingin siya sa amin, "Mauna na po kami ng anak ko. May pupuntahan pa kami."

"Wait! Can I talk to your daughter-"

Bumukas ang pinto at pumasok ang magulang niya. Gusto ko sanang makausap kahit sandali si Clydia. Kaya hindi ko pinansin ang pagpasok nila. Sana payagan ako. Gusto kong marinig ang boses niya. Matagal kong hindi siya nakita at hindi ko nakilala.

You're Still The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon