Chapter 39

29.4K 852 177
                                    

Enjoy this chapter.

~○~

Nabitawan ko ang papel. Hindi ko na pinansin ang galit ni Clyde sa nabasa niya. Wala naman siyang alam. Hindi ko rin inaasahan na mahahanap nila ako. Kanina lang ay muntik na akong masagasaan at hindi ko na alam kung ano pa ang mangyayari sakin sa  susunod. Hindi sila titigil hangga't alam nilang buhay pa ako.

"Cassandra, bakit ang tahimik mo? Dadalhin kita sa hospital para makasigurado akong hindi ka nasaktan."

"O-Okay lang ako."

"Baby, please be honest to me...Are you really okay?"

"O-Oo."

Sana huwag na lang niyang ipilit na pumunta kaming hospital. Ang gusto ko ay umuwi na lang kami. Mas gustong kong makita ang mga anak namin. Gusto kong makasiguradong safe sila ngayon.

Kinuha ko ang bag ko at tinawagan sila Callen.

"Hello..."

"Callen!"

"Bakit ka ba sumisigaw? Anong kailangan mo?"

"Nasa maayos kayo ng mga bata di ba?"

"Oo naman! Bakit ba bigla kang nagtanong? Hindi naman kami lumabas. Natutulog ngayon yung tatlo  dahil sa pagod sa paglalaro. Bakit hindi ka nagdala ng bodyguards? Alam mo naman na kahit wala pang nakakaalam na nandito ka mas mabuting makasiguradong may nagbabantay sayo!"

Nalaman na pala nila na wala akong pinasama sa mga bodyguards. Kung alam ko lang na may ganitong mangyayari, hinayaan ko silang sumama.

"S-Sorry, u-uuwi na kami. Gusto ko silang makita..."

"Cassandra, may nangyari ba? Bakit nanginginig ang boses mo?"

"Wala naman. U-Uwi na kami."

"CASSANDRA!-"

Pinutol ko na ang tawag at tumayo. Hindi siya titigil hangga't hindi ako aamin. Sa sobrang panlalambot ko ay ngayon ko lang nagawang tumayo mula sa pagkakatumba namin ni Clyde ng hatakin niya ako.

"Umuwi na tayo."

"Cassandra, mas magandang dumaan muna tayo sa hospital para mapatignan ka." sabi ni Kim.

"Okay lang ako."

"Baka kasi hindi mo lang nararamdaman ngayon na may masakit sayo. Mapapanatag kami kung napacheck-up ka."

Bakit ba ayaw nilang maniwala? Pinipilit pa nila kahit ayoko. Gusto ko ng umuwi at hindi ko gagawin ang gusto nila.

"I'm okay. I just want to see my children! Clyde, please let's go home..."

Natahimik ang mga kaibigan ko. Ayoko sanang maging ganito sa kanila pero hindi nila ako mapipilit. Mas magiging maayos ang pakiramdam ko kung kasama ko sila Clydia. Mapapanatag ako.

"Sir, hindi po natin mapipilit si Cassandra. Mas magandang umuwi na lang po tayo para makapaghinga na po siya." sabi ni Hanz.

"Kung gusto niyo, sumama na rin kayo samin. Alam kong hindi rin kayo mapapalagay kung hindi niyo sigurado na okay ang kaibigan niyo. Cassandra, gusto mo ba silang sumama pag-uwi sa inyo?"

Tumango ako. Pwede naman silang magstay sa amin para masigurado ko rin na hindi sila mapapahamak dahil kasama ko sila ngayon. Natatakot ako na madamay sila sa problema ko.

Nakauwi na rin kami. Pinagbuksan kami ng gate ng guard. Napatingin ako sa parking area at nakilala ang dalawang kotse na nakaparada doon. Pagkatigil pa lang ng kotse ay lumabas na ako.

You're Still The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon