Chapter 49

15.2K 484 172
                                    

Habang lumilipas ang oras na hindi pa dumadating ang hinihintay namin na makakatulong na mahanap si Clydia ay hindi ko maiwasang hindi isipin kung ano na ang ginagawa nila sa anak ko.

Sa lahat ng mga pinagdaanan ko sa kanila. Hindi lang iisang beses na muntik na talaga akong nadisgrasya dahil alam kong galit sila sa akin na hindi ko na naman alam kung bakit. Kung away lang sa negosyo ay ibibigay ko ang gusto nila basta ibalik lang nila na nasa maayos ang anak ko. Kaya kong ipagpalit ang lahat  basta maibalik lang si Clydia.

"Daddy, anong oras po ba dadating yung kausap niyo?"

"Paparating na siya. May inayos lang bago pumunta dito."

"Sigurado po bang makakatulong siya sa paghahanap kay Clydia?"

"Magtiwala ka lang, anak."

Nakarinig ako ng may dumating na sasakyan kaya mabilis akong lumabas para tignan kung sino ito. Baka yung sinasabi na ni daddy ang dumating.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Gusto kong makatulong sa paghahanap kay Clydia."

"Hindi ka dapat nandito. Hindi ka pa magaling kaya nga pumunta ako sa hospital para bisitahin ka tapos ngayon nadischarge ka na?"

Hindi ko maintindihan kung bakit siya nandito at pinayagan na makalabas ng hospital kung kanina lang ay nasa hospital kami para sa kanya.

"Sandra, gusto kong makatulong sa paghahanap sa anak natin. Pinakiusapan ko ang doctor at okay na naman ako kaya pumayag siya."

Wala na akong nagawa kaya pinapasok ko na siya. Hindi rin siya magpapapigil sa gusto niya. Bumalik ako sa loob at nakita ni daddy kung sino ang kasama ko na dumating.

"Anong ginagawa niya dito?"

"Gusto po niyang tumulong sa paghahanap."

"Paano ka nakapasok na hindi hinaharangan sa gate pa lang? Hindi ka na dapat nagpunta dito."

"Wilson, pumunta siya para tumulong at tigilan na ang ganitong away. Ang importante ay makita ang apo natin. Mas kailangan natin ng tulong ngayon para mabilis na mahanap si Clydia. Hindi mo siya mapipigilan dahil anak niya din ang nawawala."

Hindi nakapagsalita si daddy dahil totoo ang sinabi ni mommy. Walang mangyayari kung papairalin pa din nito ang gustong paalisin si Clyde.

Nakarinig ulit ako ng may dumating na sasakyan kaya naghintay na lang ako na pumasok kung sinuman ang sakay nito. Sana ay ito na ang hinahanap namin.

"Good afternoon, Sir."

"Mabuti nandito ka na. Kailangan namin ng tulong mo para mahanap ang apo ko."

May inilabas itong laptop at kung ano pang bagay na laman ng bag na dala nito. Hindi na ako nagtanong kung paano siya makakatulong sa paghahanap pero umaasa ako na matulungan niya kami.

"Sir, bago po ba mawala ang apo niya, suot niya ba ang isa sa accesories na pinaayos niyo sa amin?"

"Suot niya ang bracelet na binigay ko."

"Icheck ko lang po kung nasaan na ang bracelet."

"Daddy, ano po ang sinasabi niya? Anong accesories? Bracelet?"

Tumingin ito sa akin,"Naalala mo ba na may binigay ako sa inyong accesories? Lahat kayo ay meron nito at sinabi kong lagi niyong suotin."

"Opo." Hindi na ako nagtanong kung bakit niya sinabi ito noon. May pagkakataon na hindi ko sinusuot ang bracelet dahil ayokong masira ito.

"Nagpakabit ako ng tracking device sa mga yon. Kaya kung saan man dinala si Clydia ng mga dumukot sa kanya. Mahahanap siya."

Lumapit ako sa taong nag-aayos ng laptop nito sa table para makita kung mahahanap na niya ang anak ko. Nagpapasalamat ako kay daddy dahil naisip nito ang ganong idea para sa kaligtasan namin.

You're Still The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon