Chapter 14

64.6K 2.1K 435
                                    

Thank you sa mga comments niyo. Kahit ang iba sa inyo ay nadisappoint sa last chapter dahil flashback lang ni Clyde kaya bumawi ako ngayon at POV pa rin ni Clyde ito. Salamat sa inyo.

My So Strict Boss - Book 1
My Snobbish Heart - Teen Fiction
The Black Archer - Fantasy

~○~

Cassandra...

Ngayon na nagkita kaming muli, lagi na akong nananaginip sa mga nangyari noon. Kinapa ko ang kama pero wala ang taong inaasahan kong katabi ko pa rin hanggang sa magising ako. Bakit pa ba ako aasa kung alam kong galit siya sa akin. Sa lahat ba naman ng mga ginawa ko, ano pa ba ang dapat gawin niya kundi ang ipagtabuyan ako.

Alam ko naman na hindi na dapat ako nakikialam. Tama naman ang sinabi niya, ako mismo ang tumapos. Para sa kanya tapos na pero ayokong bumitaw. Ayoko na bumalik sa mga taong nasayang ko dahil hindi ako nakahingi ng tawad sa kanya. Ginawa ko pa sana ang lahat para malaman ko kung nasaan siya. Kahit anong gawin kong pakiusap sa mga pinsan niya, hindi nila ako sinasagot at lagi na lang sapilitang pinapaalis. Nagawa ko ng gumamit ng ibang pangalan para makausap sila pero wala akong makuhang sagot. Cassandra, gusto kong bumalik sa dati na masaya tayong dalawa. Pwede pa ba akong makabawi? Gagawin ko ang lahat para mapatawad niya ako.
Tumayo na ako at naligo. Mamaya na ako iinom ng gamot.

Nakatapis lang ako habang papunta ng kitchen ng matigilan ako sa nakita kong taong umiinom ng coffee habang nagbabasa ng magazine.

"Why are you here?"

"Waiting for someone to wake up."

"Did you sleep here?"

"No."

Binaba nito ang binabasa at tumingin sa akin. Kinuha ulit nito ang magazine. May nakita akong pagkain sa table. Dinalhan niya ako ng pagkain? Lumapit ako at tiningnan ang dala niya.

"Ikaw ba ang may dala nito?"

"May iba ka pa bang nakikitang tao maliban sakin?"

Hindi ko na siya sinagot at baka bigla na lang siyang umalis kung papatulan ko ang mga sinabi niya. Umupo ako at inisa isang nilabas sa plastic ang pagkain.

"Wala ka bang balak magbihis, Mr. Villacorte?"

"Anong problema sa suot ko?"

"Kung hindi mo napapansin o talagang sinadya mong lumabas ng kwarto mong twalya lang ang nakatapis sayo?"

"Ganito naman talaga ako kapag sa umaga. May epekto ba sayo kung nakaganito lang ako?" Pinigilan kong ngumiti. Baka naman meron nga kaya gusto niya akong magdamit.

"Huwag kang mag-ilusyon. Marami na akong nakitang nakatwalya lang kaya wala sakin kahit maghubad ka pa sa harapan ko."

"Are you sure, Cassandra? I'm naked if I'll remove this towel."

"Then do it. I'm used to see a man in towel but if you'll insist to make me see 'THAT'. It's your own choice, Mr. Villacorte."

"Nakita mo na rin naman to, Cassandra."

"Hindi ako nandito para makipagtalo sayo kaya pwede bang magbihis ka na?"

Bumalik ako sa kwarto at nagbihis. I thought she will turn around or shout at me but I didn't expect her reaction. She used to see a man in towel! Sino kaya ang lalaking sinasabi niya. Kapag talaga nalaman ko, humanda sa akin ang taong iyon. Sino ba naman ang taong haharap ng nakatwalya lang sa isang babae?

Nakita kong nakalagay na sa mga pinggan ang pagkain. Umupo ako at uminom ng coffee. Naninibago ako sa kanya. Kahapon lang na lagi siyang galit kapag sinisita siya pero ngayon inaasikaso na niya ako. Napatawad na kaya niya ako? Sana naman dahil lahat ng mga sinabi ko kagabi, totoo. Gusto kong humingi ng second chance sa kanya.

You're Still The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon