Chapter 9

123K 3.9K 2.3K
                                    

Salamat sa mga naghintay. Next next week na ang first preboard namin. Sana masagutan ko ng maayos. Ipagpray niyo rin sana ako. Pasensya na kung sobrang tagal nahihirapan kasi ako magsulat. Sana maintindihan niyo. Dedma na lang sana kayo kung may nakita kayong mali. :)

My So Strict Boss - Book 1
My Snobbish Heart - Teen Fiction
The Black Archer - Fantasy

~*○*~

Kaya naman pala sobrang pagpigil nila kay daddy. Ang mga villacorte pala ang nag-imbita. Hindi ko lang mahulaan kung bakit sila magbibigay ng invitation. Alam kong hindi maganda ang pakikitungo ng dalawang pinsan ko sa kanila at alam ko na kung bakit.

Tumingin ako sa dalawa. Hindi man lang nila maitago na hindi nila gustong pumunta at mapapansin ni daddy iyon.

"Bakit ayaw niyo bang pumunta sa party, boys? May problema ba kayo sa kanila?"

"Kung nalaman niyo lang po ang ginawa nila kay Cassandra, hindi niyo na titingnan ang invitation at baka ako pa ang utusan niyong sunugin yan." Bulong ni Callen.

"May sinasabi ka, Callen?"

"W-Wala po, tito."

"Daddy, kilala niyo po ba sila?"

"No, sweety. When I received that, I asked your secretary to search them. I found out that villacorte is one of the well known company in this country. I was curious why would they invite us or rather they should send it to your cousins not on us."

"Alam kasi nilang hindi kami pupunta sa party nila."

"Paano niyo nakilala ang mga villacorte, boys?"

"Member po ng club na sinalihan namin ang anak nila kaya po kilala namin sila. "

"Sumama kayo sa party. Cassandra, maghanap na kayo ng isusuot ng mommy mo. We should meet them."

Hindi na nagawang tumutol pa ng dalawa dahil kapag sinabi ni daddy, final na. Nagprisinta na si Cellon na siya na ang bahala sa appoinment sa gown na isusuot namin. Sila naman ang maraming kilalang designer dito.

Umakyat na sila mommy para makapagpahinga kaya tumayo na ako para mabalikan ang kwarto nila Zander. Naramdaman kong may humawak sa braso ko at hinatak ako papunta sa kusina.

"Bakit ba tayo nandito?"

"Kumbinsihin mo sila tito na huwag ng pumunta."

"Bakit ko gagawin yon, Cellon? Narinig mo naman ang sinabi ni daddy, lahat tayo pupunta."

"Hindi tayo pwedeng pumunta. Sa kanila ang party at wala dapat ni isa sa mga Garfin ang tatapak sa kung saan man yon!"

Bahagyang tumaas ang boses nito. Nakatingin lang sa amin ang kakambal niya. Hinihintay ko ngang magsalita siya sa kung anuman ang pinaglalaban ni Cellon. Kanina ang tahimik niya at si Callen lang ang sumasagot sa mga tanong ni daddy tapos sa akin niya binubuhos ang galit niya.

"Wala akong nakikitang mali kung pumunta tayo."

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo! Cassandra, nakalimutan mo na ba kung anong klaseng tao sila? Sa ating dalawa, ikaw dapat ang unang tumutol sa gusto ni tito!"

"Wala ngang problema sakin pero pagdating sayo, sobra kang magreact? Bakit hindi mo nilabas iyang mga sinasabi mo sa akin kanina? Sinabi mo sana kay daddy na ayaw mo at ibigay mo ang reason mo."

Naiinis na ako sa kanya. Minsan sa sobrang pagiging tahimik niya. Kapag wala na ang taong gusto niyang paglabasan ng anuman gusto niyang sabihin, naghahanap siya ng ibang taong pagsasabihan niya katulad ngayon, ako ang napili niyang sabihan.

You're Still The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon