Chapter 10

80.5K 2.5K 637
                                    

Salamat sa mga nagmessage sa akin. Natapos na ang board exam namin at hinihintay ang resulta. Lagi kong pinagdadasal na sana makapasa. Ang hirap ng exam kaya hindi ko sure kung nakuha ko at pasensya na kung nakapagsalita ako sa mga huling messages ko. Halo na ang mga iniisip ko kaya pasensya. Ito pa lang ang nasulat ko. Salamat sa messages niyo.

~¤♡¤~

Bumalik ako sa table namin.  Hindi ko mapigilang mapangiti sa nakitang reaksyon sa mukha ni Thalia. Sa lahat ba naman ng taong gusto niyang pikutin si Clyde pa. Kahit lasing ito ay may natatandaan pa siya sa nangyari sa kanya bago siya makatulog.  Malas lang ng babaeng iyon.

"Anong nangyari sa restroom kaya ganyan ka makangiti, Cassandra? " tanong ni Cellon.

"Wala."

"Ikaw naman, bro, hindi mo dapat tinatanong sa babae kung ano ang ginawa niya. Hindi sila magsasabi sayo. Ako na lang ang tanungin mo alam ko."

Malapit lang ba ito sa restroom at nakita ang pagpasok ni Clyde o ang pag-uusap namin ni Thalia?

"Paano mo malalaman? Magkasama tayo dito. Tigilan mo ko sa kalokohan mo, Callen. Wala kang sense kausap."

"Hindi ba pwedeng hulaan? Ang seryoso mo ngayon, bro, meron ka ba?"

"Gusto mo yatang masaktan. Matagal na rin hindi ko nagagamit ang kamao ko baka gusto mong pagpraktisan kita."

"Titigil na. Hindi ka naman mabiro. Hindi mo rin naman magagawa takot mo lang kay tito."

Hindi narinig ni Cellon ang binulong ng katabi ko. Hindi talaga papapigil ang isang to sa pang-aasar. Nag-uusap na naman sila daddy tungkol sa business. Nakakasawa na rin minsan. Pare-pareho lang naman ang topic nila.

Napapatingin sa gawi ko si Mr. Villacorte. Ngayong nakilala niya ako, hindi na niya magagawang pagsalitaan ako. Mahalaga lang naman sa kanya ang yaman ng isang tao kaya wala na siyang masusumbat sa akin. Wala na rin naman akong pakialam sa pamilya nila. Magsama sila ng anak niya. Pareho lang sila.

"Cassandra, puntahan natin sa table nila ng tita Mildred mo. Kasama niya ang dalawang anak niya at gusto ka niqng makita."

"Sige po, mommy."

"Excuse us. Hon, pupuntahan lang namin si Mildred."

Tumayo na kami at sinundan ko si mommy. Bata pa ako ng huling nakita ko ang mga anak ni tita. Kamusta na kaya sila? Naging malapit ako sa anak niyang babae. Siya ang laging kalaro ko at sumasali rin ang mga pinsan ko. May anak rin na lalaki si tita pero hindi ko siya matandaan. Minsan ko lang makita.

May tumayong babae at lumapit sa amin. Nakipagbeso si mommy at ganoon rin ang ginawa ko.

"Ikaw na ba yan, Cassandra? You're so beautiful, iha. You looked like your father but you got your mother's smile."

"Thank you po tita."

Pinakilala niya ako sa mga taong nasa table niya. Napatigil ako sa babaeng nakaupo. Tanda ko pa ang itsura ng babaeng sinabing stalker ni Callen.

"Cassandra, this is my daughter,Ivonne."

Anak pala ni tita ang stalker ni Callen. Siya ang kalaro ko noon. Ngumiti ako sa kanya at ngumiti rin ito. Umupo ako sa tabi niya.

"Hi."

"Hi."

Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin. Wala akong maisip na pwedeng pag-usapan.

"Kailan ka pala nakabalik sa pilipinas?" paano niya nalaman?

"Paano mo nalaman na kakabalik ko lang?"

You're Still The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon