Chapter 4

105K 3.7K 897
                                    

Salamat sa patuloy pa rin nagbabasa nito at sa mga tao naman na naiinis na sa tagal. Okay lang. Part na talaga ng isang writer na may mga demanding na mga readers. Sa totoo lang pinapahinto na akong magsulat kaya nahihirapan rin akong magsulat ng patago at hindi na ako nakakahingi ng panload. Iyan ang reason ko. Mahirap.

My So Strict Boss - Book 1
My Snobbish Heart - Teen Fiction
The Black Archer - Fantasy

~¤💞¤~

Nagkulong ako sa kwarto. Pinag-iisipan ko kung bakit kasi kailangan ko pang bumalik sa pilipinas. Kung gusto nilang bigyan ako ng maraming bodyguards papayag ako. Kahit ilan pa o buong mansion ang lagyan nila sasang-ayon ako pero ang pabalikin ako sa lugar na hindi ko na gustong balikan ang hindi ko matanggap.

Gusto nilang makasiguro sa kaligtasan ko kaya dapat dito na lang ako para alam nila kung ano ang nangyayari sakin.

Bumukas ang pinto. Nakita ko si mommy na sinarado ito at umupo sa tabi ko.

"Cassandra..."

"Ano pong kailangan niyo?"

"Alam kong masama ang loob mo sa desisyon namin pero sana intindihan mo rin ang daddy mo."

"Alam kong delikado ang buhay ko pero pwede po bang dito na lang ako? Kahit maraming bodyguards basta nandito lang ako."

Pinahiga niya ako at pinaunan ang mga hita niya sa akin. Hinahaplos niya ang buhok ko. Ganito ang lagi niyang ginagawa kapag nagkukwento siya sa akin noon.

"Naalala mo ba noong bata ka pa na ilang oras kang naghintay sa park para sunduin ka namin."

"Opo. Sinabi ng security guard na doon niyo daw po ako susunduin."

"Wala kaming sinabing ganoon sa kaniya. Nasa labas kami ng gate ng school mo. Kinabahan na kami ng isang oras na ang nakakalipas pero hindi ka pa rin lumalabas. May mga death threats na rin ang daddy mo  kaya natatakot na kami para sa kaligtasan mo."

Hindi ko alam ang kwentong ito. Sinabi lang nila na huli silang nakalabas sa office kaya hindi agad sila dumating. Naalala ko pa noon na ang higpit ng yakap ni daddy sakin ng makita ako.

"Pinahanap ng daddy mo ang security guard na nakabantay noon at nagmamadali itong umalis kaya napansin na namin na may kakaiba sa kanya. Sinaktan siya ng daddy mo hanggang magsalita ito na nasa park ka at may kukuha sayo doon. Nagmadali kaming umalis para puntahan ka. May papalapit na sayong mga lalaki kaya tumakbo ang daddy mo para mas makalapit siya sayo."

Napaupo ako at tumingin kay mommy. Bakit hindi nila sinabi sa akin ito?

"Nagdesisyon kaming sa pilipinas muna tayo hangga't hindi pa nahuhuli ang mga taong iyon. Sinabi lang namin sayo na magbabakasyon tayo para hindi ka matakot at mamuhay ka ng normal, Cassandra."

"Bakit ngayon niyo lang po sinabi ito, mommy?"

"Dahil tulad noon ay nanganganib ang buhay mo dito. Kailangan mong umalis muna para makapag-isip ang daddy mo kung paano mahuhuli ang mga nagtatangka sayo. Gusto ka lang namin pangalagaan. Mahal ka namin kaya namin ginagawa ito."

"Paano po ang mga bata? Hindi ko po kayang malayo sa kanila."

"Mauuna ka at susunod na lang kami. Aayusin muna namin ang maiiwan natin dito."

"Paano po ang trabaho ko? Marami pa po akong gagawin at walang maiiwan para gawin iyon."

"Sasabihan ko na lang ang daddy mo kung pwedeng ipagpatuloy mo ang trabaho mo sa pilipinas."

Nakaayos na ang lahat at hindi na ako maaaring tumutol. Naiintindihan ko na sila at kailangan ko silang sundin para wala ng madamay at maging ligtas kaming lahat.

You're Still The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon