Chapter 24

56.4K 2K 384
                                    

Salamat sa mga comments niyo. Lahat ng mga iyon ay binabasa ko at nakakatuwang malaman na nagugustuhan niyo ang takbo ng kwento nila. POV pa rin ni Clyde. Please, support my other stories. 😊

My So Strict Boss - Book 1
My Snobbish Heart - Teen Fiction
The Black Archer - Fantasy
CURSED - Romance posted in Inkitt.

~○~

Hindi ko makalimutan ang nangyari kagabi. Sa wakas na nahalikan ko si Cassandra sa matagal na panahon. Napangiti ako sa sinabi niya bago ako sapilitang pinaalis.

"Bakit mo ko hinalikan!"

"Sabi mo wala ako sa gawa kaya hinalikan kita."

"Hindi mo ako pinatapos! Hindi mo dapat ginawa iyon!"

"Sumunod nga lang ako sa sinabi mo. Ang sabi mo,'puro ako salita kaya bakit hindi ko gawin'. Kahit sino ang makarinig ng sinabi mo, gagawin ang ginawa ko pero sisigurahin kong ako lang ang makakagawa ng ginawa ko ngayon."

"Paano ka nakakasiguro, Mr. Villacorte? Sa tingin mo hahayaan ko pang gawin mo yon?"

Nahawakan ko ang kamay niya at hinalikan ang likod ng palad niya, "See. I did kissed you again. What are you going to do, my Sandra?"

Tinulak niya ako. Tumalikod ito pero hindi pa umaalis. Humarap ulit sa akin at seryoso ng nakatingin sa akin.

"Umuwi ka na. Kung ayaw mong tawagin ko pa ang guards."

"Magagawa mo ba? Puro ka salita-"

"GUARDS!"

Seryoso nga siya kaya bago pa may lumapit na bodyguards. Pumasok na ako sa kotse. Pumasok na siya sa loob at umalis na ako.

Bumaba ako para magbreakfast at makasabay sila mommy. Nagbabaso ng newspaper si daddy habang nag-uusap silang dalawa.

"Good morning."

Hinalika ko sa pisngi si mommy at umupo sa tabi niya.

"May nangyari ba kahapon kaya maganda ang gising mo, anak?"

Natigilan ako sa tanong niya. Ngumiti ako at kumuha ng pagkain.

"Kailan ko makikita ang mga apo ko?"

"Hindi pa po nila alam, mommy. Malayo pa rin ang loob ng dalawa sa akin kaya hindi ko masabi na ako ang daddy nila."

"Bakit ba nahihirapan ka, son?"tanong ni daddy na binaba na ang hawak.

"Hindi nila gustong lumalapit ako kay Cassandra. Laging nakabantay si Zander sa mommy nila at kasama pa si Xavier."

"Galit pa rin ba hanggang ngayon si Cassandra?"

"Hindi po maiiwasan, daddy. Sinisi ko siya sa mga bagay na hindi niya ginawa. Kaya nga ng malaman ko ang totoo, pinabagsak ko ang taong sumira sa amin. Pinagbayad ko siya sa paggamit kay Cassandra para makaganti sa akin."

Ang taong nagset-up kay Cassandra ay isa sa kalaban ko sa kompanya. Lahat ng clients na gusto niyang makuha ay pinipili ang Villacorte kaya ang taong ginamit niya para makaganti sa akin ang girlfriend ko.Nagbayad siya ng mga empleyado ko na gawin ang balak niya. Pinakulong ko ang mga kasabwat niya at kapalit ng ginawa niya, wala na ang kompanya niya dahil hindi ako tumigil hangga't may natitira pa sa pinagmamalaki niyang kompanya para hindi na siya makabalik sa buhay namin.

"Pupunta ka ba sa kanila?"

"Opo. Ngayon na kayo ang humahawak ng Villacorte. Pwede na akong pumunta sa kanila."

You're Still The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon