Chapter 19

50.8K 1.7K 182
                                    

Pasensya na sa matagal na update. Madami po akong interviews at exam ngayon. Sana po maintindihan niyo. Isusulat ko po agad ang kasunod nito para bumawi sa inyo. Pov na po ito ni Cassandra.

My So Strict Boss - Book 1
My Snobbish Heart - Teen Fiction
The Black Archer - Fantasy

~○~

Nakasakay na kaming lahat sa kotse. Hindi ko na binitawan si Clydia sa takot nawala ulit. Natatakot ako na kapag nalingat lang ako, mawawala na siya tabi ko. Ayoko ng maramdaman ang mawalan ng anak kahit sandaling oras lang.

"Sweety, are you okay?"

"I'm okay. I have my daughter now, daddy."

Hindi ko pa rin maiwasang matakot kanina. Akala ko nakuha na siya. Akala ko nalaman na ng mga taong nagtatangka sa buhay ko na nandito kami sa pilipinas. Hindi ko alam anong gagawin ko ng hindi ko nakita ang anak ko. Sa dami ng tao, baka kinuha na siya ng hindi ko alam.

Nang makita kong lumapit sa amin sila Zander at Xavier. Akala ko nakasunod ang kapatid nila pero wala.

"Zander, where is Clydia?"

"We thought she is here because we saw her running away before us."

Kinabahan na ako. Hindi siya aalis ng walang kasama pero kapag may gusto siyang puntahan, magsasabi naman sa akin. Nakita ko pa siya bago naglabasan ang mga bata. Saan nagpunta ang anak ko?

"Daddy, hindi ko po makita si Clydia."

Inutusan niya ang mga pinsan ko ikutin ang sinakyan ng mga bata. Naghintay ako ng balita sa kanila. Sana makita nila ang anak ko. Sa dami ng tao dito hindi namin makikita agad si Clydia kung hindi siya makita ng dalawa.

Nakabalik na sila pero wala silang kasamang bata, "Tito, hindi po namin nakita si Clydia."

"Daddy, nawawala ang anak! Please hanapin natin si Clydia...Kailangan nating makita ang anak ko..."

"Huminahon ka, Cassandra. Makikita rin natin ang anak mo."

Hindi ko kayang huminahon. Ngayon lang nangyari ito na isa sa mga anak ko ang wala sa tabi ko. Hindi ko kayang tumayo lang at walang gawin. Baka hinahanap na ako ng anak ko kung nahiwalay siya sa amin at sana walang kumuha sa kanya.

"Daddy, hahanapin ko po si Clydia. Kayo na po muna ang bahala kay Zander at Xavier."

"Magpasama ka kay Cellon."

"Mas maganda pong maghiwalay kaming maghanap. Mas marami pong lugar kaming mapupuntahan sa paghahanap."

"Tutulong na rin ako anak. Ang mommy mo na lang ang magbantay sa dalawa."

"Sige po."

Binalikan ko ang mga pinuntahan namin. Baka bumalik ang anak ko sa isa sa mga iyon. Wala akong pakialam kung may mabunggo ako. Wala  silang alam sa pinagdadaanan ko. Nawawala ang anak ko, kahit sumigaw sila at hindi tanggapin ang sorry ko, huwag lang silang humarang sa daraanan ko.

Napuntahan ko na lahat pero hindi ko pa rin siya makita. Pinahid ko ang luha ko na ayaw tumigil dahil habang tumatagal, bumibigat ang pakiramdam ko na hindi ko na talaga siya makita. Kasalanan ko ito. Bakit hindi ko napansin na umalis si Clydia. Nasaan ka na ba, anak? Hinahanap ka na ni mommy, bakit hindi kita makita.

"Miss, nakita niyo ba ang batang ito?"

"Sorry. Hindi ko siya nakita."

Nagtanong ako sa mga nakakasalubong ko pero wala pa rin. Lumapit ako sa isang staff. Baka may napansin siyang bata. Pinakita ko sa kanya ang cellphone ko.

You're Still The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon