Chapter 1

157K 5.4K 2.5K
                                    

Salamat sa magandang gumawa ng cover ng story ko. Pasensya na sa hindi pag-update ko. May mga exam na naman kami kaya mahirap magsulat. Guilty ako kung may makita kayong mali. Hindi ko na ulit nabasa ito bago ipublish.😊

_QueenClasher_

~¤💞¤~

Pagkapasok ko sa entrance pa lang, nagsitabi ang mga taong nakaharang sa daraanan ko. Hindi sila umalis sa kinatatayuan hangga't hindi pa ako nakakaalis.  Kasunod ko ang secretary ko.

Pinundot niya ang button sa gilid ng elevator at pumasok ako. Nasa tabi ko pa rin siya habang sinasabi ang schedule ko.

"Ma'am Cassandra, you have a meeting with Mr. Lee. He wants to talk to you about his proposal."

"Cancelled it."

Nakakainis na ang taong iyon. Ilang beses ko na tinanggihan ang proposal niya pero ayaw tumanggap ng 'no'. He wanted me to sponsored whatever his project is but I will not sacrifice millions for a stupid project.

"A meeting with an investor, Ma'am."

"Continue."

"He said that he was interested to invest in the company."

"What time is that?"

"2 pm, Ma'am."

Bumukas ang elevator at naglakad na ako papunta sa office ko. Pinag-iisipan ko kung pupuntahan ko. Hindi ko naman kailangan ng investor sa kompanya ko. I can run this company without their help. I made this successful more than what my father achieved. I will make him proud.

"Remind me again about that meeting. You may go now."

Umupo ako sa swivel chair. Kinuha ko ang mga folders na bagong nilagay ng secretary ko. Puro proposals na walang kwenta! Tinapon ko sa basurahan at naiinis lang ako sa gawa nila. I want new ideas and not this trash.

They are the best in their field but they can't make me approve their works. Nakakailang revise na sila, wala pa akong nakikitang magugustuhan ko. Kahit umulit pa sila basta may maibibigay silang matatanggap kong ideas para sa company.

Hindi sila binabayaran para magbigay ng simpleng proposal. Unang basa ko pa lang sa mga gawa nila, alam kong maiisip agad ng ibang kompanya kung ano ang naisip nila. I want them to see that. I'm not making their lives miserable but they had to learn something from what they presented to me.

Pumasok ang secretary ko na hawak ang planner niya. Hindi ko narinig na kumatok ito. Alam niya na ayaw kong may pumapasok agad kapag hindi ko sinabi.

"Ma'am, sorry kung pumasok na ko. Kanina pa po ako kumakatok pero hindi niyo naririnig."

"It's okay."

"Ma'am, tumawag po ang investor na nakaschedule mamayang 2 pm. Ano pong sasabihin ko?"

"I'll meet him. Tell him the place."

Lumabas na ito. Sa nakalipas na mga taon, naging ganito na ang buhay ko. Isang taon pa bago binigay ni daddy ang pagpapatakbo ng kompanya ng pamilya namin. Kailangan kong pag-aralan ang lahat bago ko palitan siya. Ayokong sabihin ng ibang tao na hindi ako karapat-dapat sa posisyon na binibigay sakin kaya pinaghirapan ko bago ko nakuha ang tiwala ng lahat. I remembered painful memories when my father mentioned the word 'trust' when he step down on his position and gave it to me.

'You earned the trust of our people and that will make you different from others who didn't strive just like what you do. You experienced having a life like them, they respect you for what you done, sweety.'

You're Still The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon