Chapter 25

56.4K 1.6K 212
                                    

Guys, nagstart na po ako sa work kaya busy na po ako. Hindi ko kayang ipangako na madalas ang pag-update dahil wala akong time na magsulat ngayon. Sana maintindihan ninyo. POV po ito ni Cassandra para malaman niyo po kung ano ang iniisip niya during sa pagpunta ni Clyde sa kanila. May nagmessage po sa akin kung ano ang reaksyon ni Cassandra sa pinaggagawa ni Clyde sa mga nakalipas na chapters kaya po sinulat ko ito. Sa next chapters si Cassandra na ang mga POV.

My So Strict Boss - Book 1
My Snobbish Heart - Teen Fiction
The Black Archer - Fantasy
CURSED - Romance posted in Inkitt.

~○~

Sa tagal na walang nakakalapit sa aking lalaki magmula ng dumating sa buhay ko ang mga anak ko, siya lang ang nagawang halikan ako. Halos mga kliyente lang ang masasabi kong mga lalaking pinapayagan kong lumapit sa akin dahil business ang pinag-uusapan namin. Nagulat ako sa ginawa niya kaya hindi ko siya agad natulak palayo.

"Bakit mo ko hinalikan!"

"Sabi mo wala ako sa gawa kaya hinalikan kita."

"Hindi mo ako pinatapos! Hindi mo dapat ginawa iyon!"

Sasabihin ko sana na mas lalong hindi ko sasabihin ang gusto niyang malaman. Hindi niya dapat malaman kung ano iyon. Sa amin lang ng mga bata kung ano man ang sinabi ko. Mapilit siya sa gusto niya at ginawa pa niya ang pinakaayaw ko.

"Sumunod nga lang ako sa sinabi mo. Ang sabi mo,'puro ako salita kaya bakit hindi ko gawin'. Kahit sino ang makarinig ng sinabi mo, gagawin ang ginawa ko pero sisigurahin kong ako lang ang makakagawa ng ginawa ko ngayon."

Ganon pa rin ang ugali niya. Hindi nagbago at mas lalong lumalala. Ano ba ang gusto niyang palabasin sa sinabi niya?

"Paano ka nakakasiguro, Mr. Villacorte? Sa tingin mo hahayaan ko pang gawin mo yon?"

Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito.

"See. I did kissed you again. What are you going to do, my Sandra?"

Tinulak ko siya para makalayo ako. Nag-iba siya magmula ng payagan ko siyang makita sila Clydia. Anong akala niya sa mga ginagawa niya ngayon, papayagan ko siya? Tumalikod ako para kumalma dahil naiinis ako sa pinaggagawa niya. Hinarap ko siya katulad ng una naming pagkikita na walang pakialam kung nagkita kami.

"Umuwi ka na. Kung ayaw mong tawagin ko pa ang guards."

"Magagawa mo ba? Puro ka salita-"

"GUARDS!"

Pumasok na siya ng kotse at umalis. Nakahinga ako ng wala na siya. Nakasalubong ko si yaya.

"Umalis na si Clyde, iha?"

"Opo."

"Bakit nakakunot ang noo mo? May nangyari ba sa inyo bago siya umalis?"

Kilala niya ako kapag may problema o gumugulo sa sakin. Kasalanan niya to kaya naiinis pa rin ako hanggang ngayon.

"Wala naman po. Aakyat na po ako. Yaya, tumawag po ba sila mommy?"

"Hindi pa. Baka busy lang sila kaya hindi pa tumatawag. Sasabihan kita kapag tumawag na sila."

Umakyat ako at pumunta muna sa kwarto ng tatlo.

"Mommy!"

"Mommy!"

"Mommy!"

Umupo ako sa kama at tinitigan silang tatlo. Napangiti ako ng humikab sila Zander at Xavier pero ang kapatid nila ay hindi pa inaantok.

You're Still The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon