Chapter 15

59.2K 1.9K 194
                                    

Marami akong pinupuntahan kaya hindi ako makapagsulat. Salamat sa mga nagreply sa post ko.

My So Strict Boss - Book 1
My Snobbish Heart - Teen Fiction
The Black Archer - Fantasy

~○~

Nakatambay ang mga pinsan ko sa bahay namin. Wala daw magawa sa condo nila kaya dito manggugulo. Masaya naman ang mga anak ko dahil may makakalaro sila. Hindi rin naman umatras ang dalawa kahit anong ipagawa nila Zander at Xavier.

"Tito evil, can you pretend that you are a horse?"

"Why?"

"So we can climb on your back and you will run around the house."

"But why don't you ask your tito Cellon? I think he wants to be your horse."

"No! We want you." Xavier said.

"Okay."

Lumapit sakin si Zander, "Mommy, do you have a rope?

"Why do you need a rope?"

"We will tie on tito's neck. I can pull the rope if we want him to stop running around."

Hindi ko napigilang matawa sa sinabi ng anak ko. Naiimagine ko pa lang na may lubid sa leeg ni Callen. Masasakal ito sa paghatak ng dalawa. Lumapit naman si Callen sa amin.

"Bakit ka tumatawa dyan, Cassandra?"

"Tanungin mo ang pamangkin mo para alam mo ang mangyayari sayo."

"Zander, ano ang sinabi mo sa mommy mo?"

"We need a rope to tie on your neck. You're a horse, tito. We saw on tv that if we want to control a horse, we pull something to stop it so I asked mommy."

Napaatras siya sa amin. Ayaw ng lumapit at gustong umalis pero sumunod si Xavier sa kanya at hawak ang damit niya.

"Anong gustong mangyari ng anak mo sakin, ibigti? Mahal ko pa ang buhay ko, Cassandra. Ibili mo na lang ng kabayong gawa sa kahoy o kahit totoong kabayo pa, huwag lang ako."

"Anong magagawa ko kung gusto ka nilang maging kabayo? Hindi ako nakaisip ng rope na yan. Sila ang kausapin mo."

"Paano ko kukumbinsihin sila? Pumayag ng nga ako kaso gusto akong tuluyan ng mga anak mo. Cassandra, tulungan mo ko!"

"Zander, your tito doesn't want to play with you anymore. He's afraid you will choke him until he can't breath and die."

Bumitaw si Xavier sa tito niya. "Tito, we will not use it but play with us, please..."

Natuloy pa rin ang gusto ng dalawa pero wala ng kasamang lubid sa leeg niya. Magugutom sila sa kakalaro kaya dumeretso ako sa kitchen para may meryenda sila. Naabutan ko si mommy na naghahanda.

"Kamusta ang paglalaro ng bata at ang mga isip bata?"

Natawa ako sa sinabi niya. Isip bata ang tawag niya sa dalawa dahil nakikipaglaro pa sila sa mga pamangkin at minsan nakikipagtalo sa tatlo.

"Iniwan ko po muna sila sa labas. Baka magutom po sila. Para saan po ang ingredients na yan?"

"Magluluto ako ng meryenda niyo kaso nandito ka na. Tulungan mo nga ako anak para mabilis tayong matapos."

"Sige po."

Nagluto kami ng spaghetti. Hinanda namin para makakain na sila. Pinuntahan ko sila para tawagin na. Hindi na maayos ang damit ni Callen. Lukot na sa sorang paghatak nila Zander at Xavier sa damit niya. Nakikipaglaro naman si Clydia sa tito Cellon niya.

You're Still The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon