Chapter 50

21.8K 620 288
                                    

Natatanaw ko na ang hospital. Sa nakalipas na isang linggo ay naging normal ko ng gawin ang laging pumunta dito. Marami ang nagbago pagkatapos ng gabing nailigtas ang anak ko.

Naibalik siya ng maayos na kahit may galos at pasa at hindi naman malala na katulad ng nangyari sa daddy niya.

Nakarating na ako sa kwarto niya at katulad pa din ng palaging kong nakikitang kalagayan niya ay nakapikit ang mga mata at di sigurado kung kailan magigising.

Nilapag ko ang prutas na dala ko sa lamesa at lumapit sa kama niya. Ilang beses na bang hindi nagagalaw ang mga ito dahil yung taong gusto kong pagbigyan ay hindi pa rin nagigising. Hinawakan ko ang pisngi nito.

"Clyde, nandito na ulit ako."

Hindi ako sigurado kung naririnig ba niya ako pero gusto kong sabihin ang lahat na nangyayari sa mga anak namin,"Hinahanap ka na ng mga bata. Gusto na nilang makausap ang daddy nila. Ang dami nilang gustong sabihin at ikaw na lang ang hinihintay nila kaya sana gumising ka na. Bumalik ka na samin, Clyde."

Wala pa din reaksyon si Clyde. Kinuha ko ang single chair at umupo malapit sa kama nito. Kinuha ko ang phone ko ng marinig kong nagring ito.

"Hello po"

"Thank you, Cassandra, sa pag bantay sa anak namin. Wala pa kasi ang pinsan niya kaya wala kaming mapag-iwanan kay Clyde."

"Okay lang po tita. Balak ko naman pong pumunta sa ospital. Ako na pong magbabantay sa anak niyo hanggang wala pa po si Lancen."

"Salamat."

Ibinalik ko ang phone sa bag at tumingin kay Clyde. Hanggang kailan ka ganito Clyde? Kailangan ka namin, please....Bumalik ka na samin. Alam kong gusto mo lang kaming protektahan pero hindi ko kayang ikaw naman ang nasa ganitong kalagayan kapalit ng pagligtas samin.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya napatingin ako kung sino ang papasok sa kwarto.

"Ikaw pala ang tinawagan ni tita. Sorry, late ako kaya naabala ka pa."

"Hindi abala ang pagbantay sa pinsan mo."

"Mabuti naman ay nakakapunta ka dito na hindi ka hinaharangan ng daddy mo? Ang pagkakaalam ko hindi pinapalapit si Clyde sa inyo. Dahil ba naospital siya kaya hindi na mahigpit sayo at nakakapunta ka dito kahit anong oras mo gustuhin?"

Hindi ako nakapagsalita. Isa din siguro ang sinabi niya kaya hindi na mahigpit sa akin. Simula kasi nung gabing iyon. Nagbago si Daddy.

Nawalan ng malay si Clyde at ang daming dugo sa likod nito. Mabilis na kinuha ang baril sa babaeng nagpaputok nito. Mabilis na nilagyan ng posas ang kamay at pinasok sa sasakyan.

May mga tumulong na din sa amin na isakay sa kotse si Clyde. Mabilis kaming umalis para isugod ito sa ospital. Tinawagan na ang mga magulang niya para malaman kung anong nangyari sa kanya.

Hindi rin nagtagal ay dumating sila at sinabi namin na nabaril si Clyde.

"Sorry po. Hindi ko po ginustong mabaril si Clyde."

"Hindi mo kasalanan ang nangyari,Cassandra."

"Hindi po dahil sa amin, hindi po siya mababaril. Hindi ko na dapat pinilit na umalis kami kung alam ko lang na mangyayari ito. Sorry po talaga, tita."

Hindi ko mapigilan ang luha ko dahil kahit hindi ako sinisisi pero ako ang nagpumilit na umalis. Ako dapat ang nasa emergency room at hindi siya.

Tumabi ako kay daddy at sumandal sa balikat nito habang naghihintay na matapos ang operasyon.

"Daddy..."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You're Still The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon